Twenty two

9K 106 47
                                    

//Sleep//

Hindi na nawala sa isip ko ang issue na yon. Ang issue kung lilipat ba ako o tatapusin ko ang term. My mind says, I want to go back. But my heart don't want to. Medyo balisa pa rin ako.

"Will you be okay here, baby?" Tanong ni Mommy sakin habang nakahawak sa magkabila kong balikat. Uuwi na kasi sila ngayong araw. Buti, wala kaming pasok ngayon. Pahinga daw namin tong mga cheerdancers.

Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. "Yes, my. I'm with Lola."

"What made you decide, ate?" Nakataas na kilay na tanong ni Mikko. He has this playful smile on his lips.

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "I finish where I started, Mikko Gian." I don't know if he knows why I want to stay when I can't, myself.

"Really? You'll finish college here?" He's tone was challenging.

"Nope. I'll finish the semester."

He seems shocked by my answer. Para bang hindi yun ung ineexpect niyang sagot. Pero agad din siyang nakabawi at ngumiti. "I'll visit you sometime again."

I answered by rolling my eyes at him.

"Baby.." Agad naman akong napatingin kay Daddy na nakaakbay kay Mommy. "We'll visit again, okay?"

"Okay Dad." Lumapit ako sakanya at kiniss siya sa cheeks. I did the same to Mikko and Mom.

"We need to go." Paalam ni Mommy. Tumango ako. "Take care of yourself and of course, your Lola, okay?"

"Yes Mom. You three do the same." I lift my hand and waved. Pumasok na sila sa sasakyan. "Love you! Take care!"

"We love you just the same Mikki.," nakangiting sabi ni Daddy,

"Drive safely!" Pahabol ko at umalis na sila.

My heart should feel heavy dahil maiiwan na naman ako. But now, it feels lighter. Kasi Mom and I are now okay.

Agad akong nakatanggap ng text mula kay Jolina.

~

Jolina:

Pasyal tayo!

Ako:

Sure.

Jolina:

Aytt. Tipid mgtext. Punta ko jan, text ur dabarkads huh

Ako:

Okay.

~

Hindi na siya nagreply after nun. Nag gm na din ako kayna Light, Timothy at Jeanie. Sinama ko na rin si Zia at Fiona.

Agad akong naligo dahil in 10 minutes DAW ay nandito na silang lahat. Which is exaggerated, dahil after 45 minutes pa silang lahat nakumpleto.

"May lakad kayo?" Tanong ni Lola.

"Opo, 'la e." Sagot ko habang nagsisintas ng sapatos. "Gusto niyo pong sumama?" Aya ko.

Umiling ito. "Hindi na. Lakad niyong magkakaibigan yan." Nakangiti niyang sabi.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon