Nineteen.

9.3K 93 10
                                    


//Falling//

I woke up early than intended to. Kailangan kasi kaming mga cheerdancers dun and we need to prepare early. 5pm pa naman yung competition pero dahil nirequire kaming pumunta ng maaga, e wala na akong magagawa.

Sobrang inaantok pa ko. Nagmovie marathon kasi kami ni Mikko e. Mga 3 na kami natapos. Hindi ko alam pano ako nakaligo ng nakapikit. Pero syempre, exaggerated yun.

"O? Mikki? Bakit ang aga mo?" Tanong ni Lola habang nagkakape.

Nagpout ako. "May practice kasi, 'la e." Kumuha din ako ng tasa at kape at nagtimpla.

"Ganun ba? Si Mikko?"

"Baka po sumunod na lang." Sagot ko ng makaupo ako.

"Kailan nga siya susunduin ng Daddy mo?"

"Bukas po." Sagot ko. Bukas, mag-isa na naman ako. Nakakalungkot. Parang gusto ko tuloy na dito na lang si Mikko. Pero syempre, ayokong mahirapan siya. Tama nang ako lang yung nahihirapan.

Napatingin ako sa relo ko. "Aish!" Napatayo ako at agad inilagay sa lababo ang tasa ko. "La! Una na po ako!" Pasigaw kong sabi habang nagsusuot ng sapatos.

"Ingat!"

"Opo! Kayo din po!" Pahabol kong sigaw,

--

Papuntang school ay tinext ko si Jolina na manuod ng competition. Natuwa naman ako nang magreply siyang manunuod siya. I also texted Dad, kagabi pa, pero hindi padin siya nagrereply. Haay.

"Good Morning Mikki." Bati sakin ng co-dancers ko.

"Good morning din!" Nakangiti ko ding bati. Nagkaroon man kami ng mga maliliit na away dati, naging okay din kami. "Nandiyan na ba si Jeanie?"

May iilang napangiwi sa tanong ko.

"Haha! Cutie mo Miks!" Puna ni Kevin.

"Wala pa nga e." Sagot ni Fiona.

"Eh?! Himala, nalate yun." Napatingin ako sa relo ko at nakitang 10 minutes na akong late. "Sige, dun lang ako." Sabi ko sabay turo sa locker room.

Inayos ko na yung gamit ko sa loob ng locker ko pagkatapos ay tinext ko si Jeanie kung nasan na siya. At ang sagot niya, malapit na. Magulo din e no? Ang tanong ko nasaan na siya tapos ang sagot malapit na. Diba dapat ang isasagot niya ay lugar? Haaay.

"Mikkiiii!!" Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakasilip si Zia.

Tumayo ako at lumapit sakanya. "Bakit?"

Hinawakan niya ang kamay ko. "Tawag ka ni sir!" At hinila na niya ko palabas.

"Oh bakit?" Tanong ko kay Thomas.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Galingan mo mamaya ha?"

I glared at him at tinanggal ang kamay niya. "Duh. I'm Mikki Giselle Dela Rosa. What do you expect?"

"Tss. Ang hangin ha." Sabay inirapan ako.

"Kung makasabi ka naman kasi." At inirapan ko din siya. "I do my best at everything kaya wag mo kong pagsabihan."

"Tss. Okay okay. Ikaw na! Ikaw na talaga!"

"Whatever." Maarte kong sabi bago siya tinalikuran.

"Giselle."

Marahas akong lumingon at nakita si Jeanie na naka peace sign. "Nakakainis ka!!"

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon