Forgive and forget.
//Peace//
Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway ng school. Jokee.. Syempre, exagg lang yon. Ang totoo, humahangos na ko sa takbo dahil late na ko sa first subject ko.
Bago pumasok ay inayos ko ang sarili ko at dahan dahang pumasok."Miks!" Sigaw ng isa kong classmate. Si Kate. Napatingin naman ako sakanya. "Wala si Prof!" Nakangising sabi nito.
Bumagsak ang balikat ko. Huhuhu. Tumakbo pa ko, wala din naman si prof. Biglang bumukas ung pinto. Pumasok ang hingal na hingal na si Timothy.
"Wala si prof, Ian! Sayang effort mo!" Pang aasar nila. Sumimangot naman siya at dumerecho na sa upuan niya, which is adjacent to mine.
I felt uneasy. Siya dapat ung may kasalanan diba? Pero bat parang nagbackfire lahat? Kasi nag sorry na siya tas hindi ko pa tinanggap! Ang arte ko kasi! Tsk! Eh kasi naman nagulat ako nun mga panahong yun!
"Mikki.." Halos pabulong niyang tawag. Unti unti akong lumingon. Huminga siya ng malalim, "sorry na.."
Tinaas ko lang ang kilay ko. Unable to react.
"Galit ka pa rin ba? Sorry na oh. H-hindi ko alam anong pumasok sa kukote ko at naging ganon ang reaksyon ko. Sorry na."
Tinitigan ko lang siya. Wala kasi talaga akong masabi.
"Bati na tayo? Please." At nagpout pa siya. "Wala akong kasabay maglunch e. Buti ikaw meron." Bulong nito.
"Nanunumbat ka ba?" Mataray kong tanong.
"Hindi! Hindi. Sinasabi ko lang.."
"Okay.."
"Galit ka pa din?"
"Hindi ako galit. Hindi naman ako nagalit. Nainis lang ako sa inasal mo. Hindi kita maintindihan nung araw na yun." Pag amin ko. Well it's true. Hindi naman talaga ako nagalit. Nagulat pwede pa. Pati naguluhan.
"Bati na tayo?" Tanong niya.
"Pag iisipan ko pa."
"Ehh?!"
"Ang arte mo ha. Oo na. Oo na lang." At inirapan ko siya. Napangiti naman siya. Ung malaking malaki.
"Yown! Bati na sila!" Pang aasar ng mga blockmates namin.
"Yihee!"
"Ngiti ni Ian oh!"
"Hoy!" Sigaw ko. "Tigil tigilan nyo nga ako!" Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room habang patuloy pa rin sila sa pang aalaska.
"Hoy! Miks!!" Sigaw ni Timothy na nakasunod pala sakin. "Teka! Hintay!"
Tumigil ako bigla kaya napatigil din siya. Hinabol niya ang paghinga niya. Hindi ko din namalayan na masyado akong nagmamadali.
"P-pwede na ba tayong magsabay maglunch ulit?" Tanong nito at tumingin ng direcho sa mata ko.
"Fine. Pero kasabay din natin si Light." Sagot ko. Nagsimula na kaming maglakad ulit. I dunno where to.
"Light? Castro? Yung lagi mong kasabay maglunch nung.. Nung.. Basta yun!"
"Oo. Kasabay natin siya." Napataas ang kilay ko sabay ngisi. "Hindi mo ko pinapansin pero nakabantay ka at alam mo ang ginagawa ko ha?"
Namula ito at nag iwas ng tingin. "Feeler to."
"Ok lang aminin Timothy." Pang aasar ko at tumawa ng malakas.
"Heh." Umirap ito. "Sige na. Sige na. Kasabay na nga natin ung ilaw na yun."
"Ilaw?!" Natatawa kong tanong.
"Light is ilaw in tagalog. Slow lang Miks?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pwede namang magaan ah o kaya liwanag!"
"Whatevs."
"Gay." Pang aasar ko at naglakad na ko palayo. Naalala kong may practice pala ko. "See you later na lang. I have practice pa! Byee!"
Napatakbo ako. Sure akong umuusok na naman ang ilong ni bakla dahil late na naman ako for the nth time.
"Mikki Giselle!!!" Sigaw ni bakla ng makita akong patakbong pumasok. "Late ka na naman!"
"Sorry." Sabi ko at nagpeace sign. "It's better late than never, right?"
"Grr! Position!" Sigaw niya kaya napatakbo ako sa place ko.
Pasimple akong ngumiti. The only thing na makapagpapatigil kay bakla na pagalitin ako is ang pag e english ko. Hahahahaha!
Sumayaw kami for 3 hours straight- courtesy of me- dahil late daw ako kaya doble kayod ang mga kasama ko.
Agad akong pumunta sa shower room at naligo.
"Ugh! Pa special talaga yang Dela Rosa na yan e!" Narinig kong sabi nila. Napatigil ako sa pagsasabon at pinakinggan sila.
"I know right? Sino ba siya? At parang under sakanya si Sir Thomas." Napataas ang kilay ko. Ako? Ina-under si bakla?
"Nakakairita!" Huling sigaw nito bago lumabas.
'What's with them?!' I irritatedly thought.
Ugh. Anyway, pagkatapos kong maligo at magbihis ay confident akong lumabas. Tss. Akala naman nila papaapekto ako sa mga sinasabi nila.
"Hi Mikki."
"O, Light"
Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Balita ko, bati na kayo ni Ian a?"
Nakunot ang noo ko at napailing. "Ibang klase ang lipad ng balita dito."
Napatawa ito. "I guess I'm not needed?"
Nanlaki ang mata ko at nahampas siya bigla. "Grabe! Ganun ba tingin mo sakin?! Na sumama lang ako sayo dahil wala akong kasabay?!"
"No! Silly.. I mean, maybe you want some alone time with him?"
"Why do I want to be alone with him?" nagtataka kong tanong. "Besides, I already told him na kasabay kita maglunch."
"Uhuh, okay. Let's go?" Tumango lang ako at dumerecho na kami sa cafeteria.
"Miks! Here!" sabay kaming napalingon ni Light kay Timothy.
"Grabe. Ang kapal!"
"Medyo slutty"
"May Ian na, may Light pa."
I gave those girls a weird look. "What the hell is wrong with them?"
"Don't mind them." Bulong sakin ni Light.
Nang makaupo kami ay hindi padin matapos tapos ang mga bulung-bulungan at ang pagbibigay nila sakin ng disgusted looks.
"Creepy" bulong ko. "Why are they all staring at us?"
"Gwapo kasi dalawa mong kasama e." Pagyayabang ni Timothy.
"God Timothy! You really are back." naiiling kong sabi dahil sa kayabangan niya.
--
Finally! After a month, nakapag-update din ako! Tuloy-tuloy na to. Meheheh. Thanks for being patient guys! Mwah!
Check my soundcloud: http://soundcloud.com/msbathroomsinger
Instagram: @livingoodwattpad
Twitter: @insatiatekidComment and Vote. 😘