School does not suck but it ain't cool either. I just know that it is annoying.
//Cheerdance//
Ugh. Balik eskwelahan na naman.
Uyy, gumagaling ako magtagalog ah. Napansin nyo ba?
Anyway, yun nga. Monday na ulit at kailangan ko na naman harapin ang mga pahirap na professors. *sigh*
"Problem?" Napalingon ako sa kakadating lang na si Ocampo.
"Walaaa." Sagot ko sabay patong ng kamay ko sa armchair.
"Okaaaay.." Sagot niya though he don't sound convinced. Tinignan niya naman ako ng mabuti. Hindi pala tingnan. Tinitigan.
"What?" Tanong ko sabay atras ng konti.
"Wala. Para kasing, umitim ka ng konti." Sabi niya at lumayo na.
"Talaga?" Tanong ko sabay tingin sa braso ko. "Nagpunta kasi kami ni Jolina sa Busay Falls e." Kwento ko.
Nanlaki naman ang mata niya sabay kapa sa noo ko. "Ikaw ba talaga yan??" Nagtatakang tanong niya.
"Huuhh?!"
"Eh kasi, nagkwento ka. Which you don't normally do."
Inirapan ko siya ng bongga. "Hmp. Pinansin pa eh."
"Hahaha. Improving. Friends na talaga tayo?"
"Hindi na ulit!" Pagtataray ko.
Sakto namang dumating ung professor namin kaya nanahimik na kami pareho.
"Good morning class. I would just like to announce that from this day, onwards, you will be excused-"
"YES!" React agad ng mga classmates ko.
"Excuse me?" Sabi nung prof namin kaya tumahimik kami ulit.
"As I was saying, a cheerdance competition is upcoming and the dean excused all the freshmen students who will join. And lucky section you are, you have been chosen by the dean so, proceed to gymnasium A for more announcements. Mind you, attendance will be monitored. Class dismissed."
Agad na nagtakbuhan ung mga classmate ko. Napailing na lang ako.
"Kain tayoooo." Sabi ko kay Ocampo.
"Uyy, inaaya nya na ko." Pang aasar niya.
"Tse! Edi wag!" Pagsusungit ko na naman.
"Joke lang! Sasamahan kita, in one condition."
"Wag na lang pala.." Mabilis pa sa alas kwatro kong sagot.
"Ehhh!"
Natawa naman ako sa pag iinarte niya. "Oh sya sige. Ano na un?"