Four.

15.1K 170 16
                                    

College is a refuge from hasty judgment.

//College//

"La! Okay naman po yung uniform sakin, diba?" tanong ko kay Lola na kasalukuyang umiinom ng kape.

Natawa siya ng mahina. "Nako, apo. Pang ilang beses mo na ba ako tinanong kung bagay ba sa iyo?" pagbibiro nito.

Nagpout ako at tumingin ulit sa salamin. "La naman."

"Bagay na bagay nga" ulit ni Lola.

"Hay! Osige na nga, naniniwala na ko." at natawa na lang kami pareho.

First day of school na kasi at kailangan naka-uniform agad. *le sigh* Hindi naman ganun kapangit yung uniform. White long sleeves, below the knee black skirt and 3 inches na black shoes. 

"Itatali ko ba yung buhok ko o ilulugay lang, La?" tanong ko habang sinusuklay ang straight long black hair ko. *flips hair*

"Ilugay mo na lang." suhestiyon ni Lola kaya syempre, sumunod ako.

Kinuha ko na yung phone at bag ko. "La, una na po ako." sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"Marunong ka na ba pumunta? Gusto mo ipahatid kita kay-"

"Okay na po La! Kasabay ko po si Jolina." nakangiti kong sabi.

"Ah, mabuti naman kung ganoon. Sige, mag-ingat ka ha?" tumango lang ako at lumabas na dahil naghihintay na si Jolina.

"Goody Morningy Mikki!" bati nito sakin.

"Good Morning din."

"Excited ka na ba?"

"Oo, pero medyo kinakabahan." pag-amin ko.

"Chokey lang yan. Kaya natin to! AJA!" sabi nito at sinabayan pa ng gesture.

"Tama! AJA!" at ginaya ko siya.

"Tara na!" sabi niya at hinila na ko.

*

Naghiwalay na kami ni Jolina. Magkaiba kasi kami ng course. Political Science siya while Biology ako. Why Bio?

*ehem ehem*

'I chose Biology because I'm willing to understand everything about life.'

^yan yung sagot ko nung ininterview ako. Meheh. At eto nga, nakapasa ako.

Papunta na ko sa first room ko ng may mabunggo ako. "Oh"

"Oh my! Sorry! Sorry!" paghingi ko ng dispensa. "Hindi ko sinsadya! Sorry!"

Tumawa lang yung lalaki, "Okay lang."

"Sorry talaga!" pahabol ko bago tumakbo papunta sa room ko dahil nga nagfirst bell na.

Hinihingal akong nakarating sa classroom. Marami ng tao ang nandun. Naupo ako sa 3rd row. Ayoko kasi sa unahan e. Inikot ko ang tingin ko at nakita kong pumasok yung lalaking nabangga ko kanina. Napatingin ito sakin at ngumiti kaya (awkward) ngumiti na lang din ako pabalik.

"Bio ka din?" tanong nito sakin nung makaupo siya sa tabi ko.

"Well, obviously?" sarcastic kong sabi. Tumawa lang siya.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon