//Manliligaw//
"Hi girls."
Napapikit ako ng mariin at sinubukang kontrolin ang sarili ko. Isang linggo ng hindi pumapasok yung dalawa. Yup. Light and Timothy. Although, hindi naman ako nag-aalala dahil nagtetext naman sila pero nacucurious ako sa pinagkakaabalahan nilang dalawa.
At dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang asungot na 'to.
"Hi Mikki Giselle." Ngiting-ngiti niyang bati. Nagsitilian na naman ang mga babae sa classroom.
"What?!" Singhal ko. Ewan ko ba. Badtrip talaga ako sa pagmumukha nito.
"Aga aga. Sungit sungit." Nakangisi niya paring sabi.
"It's too early for you to piss me off!" Sigaw ko.
"I'm not pissing you off." Inosente niyang sabi. "You're pissing yourself off."
"Just get the hell out of our classroom, Mendoza!"
Oo. Si Aaron Quinn Mendoza ang isang linggo ng nambibwisit sakin. I clearly remembered what he said a week ago..
"Hindi kita binibwisit. Nililigawan kita." Seryoso niyang sabi.
Mukha niya ligawan niya! I dislike him! Conceited at playboy. Sinabi ko na nga yan sakanya e. Pero walang epekto. Eto nga oh. Umabot siya ng isang linggo ng pambibwisit.
"Okay, Dela Rosa." Nakangiti niyang sabi. Tumayo siya at tumayo sa tapat ko. "See you later." At hindi pa nahiya, kumindat pa bago umalis. Ughhhh.
Napayuko ako sa upuan ko. Ugh! What a total freak!
Naalala ko na naman kung paano niya sinabi sakin na liligawan niya raw ako.
"I like you. And I will court you." Diretsahan niyang sabi.
Halos mabilaukan naman ako. "What the hell are you saying?!"
He crossed his arms. "Your friend said na I should make an effort in knowing you. And this is my way. In the process of courting you, I will also know more about you."
Napailing ako. Mukha niya! akala niya makukuha niya ko sa charming words niya? I know that type of guys. I encountered that type of guys. At kung ano mang gusto niya? Ay hinding-hindi niya makukuha.