“God could not be everywhere, and therefore he made mothers.”
//I miss you//
Pauwi na ko ngayon. Hindi kami magkasabay ni Jolina kasi may parang meeting yata sila? Ewan. Kaya eto ako, lonely ang peg.
Kung anong nangyari sa kabuuan ng araw ko, ay wag niyo ng alamin. Masyado kasi akong napagtitripan ng mga teachers. And when I say napagtripan, it means napapagalitan. Kesyo ang lalim daw ng iniisip ko, nakataas daw yung kilay ko, hindi daw ako nakikinig.. basta puro ganun.
I'm currently waiting sa mga jeep. Medyo matagal kasi dumaan yung mga jeep dito. Napalingon ako sa gilid ko at may nakita akong lalaking emo yata. Naka-itim kasi e.
"Miks!" napalingon ako at nakita ko si Ocampo. Sorry, last name basis ako sa mga kakilala ko pero hindi ko naman close. Pero mukhang FC yata to sakin at may nickname na agad.
"What?" kunot noo kong tanong.
"Eh kasi, kanina pa kita nakita na nakatayo dito. Baka gusto mong sumabay sakin? Mahirap kasi talaga mag-abang ng jeep dito e." sabi niya habang nagkakamot ng ulo.
Napatingin ako sa watch ko at nakitang almost 20 minutes na pala akong nag-aabang ng jeep dito.
I sighed once again. "Ok fine."
Napangiti naman siya at tinuro na sakin yung car niya. Feeling ko mayaman to si Ocampo. Ewan ko kung bakit naglalie low at nagbabaduy-baduyan siya dito sa school. Paano ko nasabi? His car is a dodge challenger. As far as I know, 5 persons lang dito sa Pilipinas ang may ganyang car.
I'll tell you one fact. I'm a girl but I'm a sucker for cars.
"San ba yung bahay mo?" tanong niya habang nagsusuot ng seatbelt.
"You can just drop me off sa kanto. It's a bit difficult to go inside." I answered while naglalaro sa phone ko.
"O..k." sabi niya lang at nagsimula ng magdrive.
Tumigil na ko sa paglalaro at tinuro sakanya yung kanto na bababaan ko.
"Malapit lang pala yung bahay niyo e."