//More than friends//
"Miks, may nagtext sayo." Sabi ni Joana at iniabot sakin ang cellphone niya. Dahil dual sim ang cellphone niya, inilagay ko muna ang isa kong sim doon para makapagtext.
Light:
I'm coming.
Kinuha ko na ang sim card ko at ibinalik kay Joana ang cellphone niya. Hindi na rin ako nagreply sa text niya. Nag-cr na lang muna ako para mag-ayos ng sarili.
Bumalik na ako sa classroom at naabutan ang mga nagkukumpulang estudyante sa may pintuan.
"Excuse.."
Nagulat ako ng makita ko si Aaron dun sa gitna, nakangiti at may hawak na banner na ang nakalagay ay, 'NO. THIS IS HOW I ASK SOMEONE ON A DATE.'
Napa-facepalm naman ako. Talagang sineryoso niya yung biro ko.
"So? Can we?" Nakangiti niyang tanong habang nakalahad ang kamay.
I bit my lip. Screw me. I forgot to text him that I have a dinner with Light.
"Miks! May naghahanap sayo." Sigaw ni Joana. Napalingon ako at nakita kong andun si Light at mukhang madilim ang aura niya.
Tiningnan ko si Aaron at ganon din ang tingin niya kay Light.
"Torn between two lovers?" Bulong ni Joana. "So, sino ang pipiliin mo?"
"Tch. Shut it, Jo."
I'm not dumb. I think there's something going on between this two. May tinatago sila, at kailangan kong malaman yon.
"Mikki, let's go." Marahang sabi ni Light. Nakangiti na siya ngayon sakin.
Nilingon ko ang pokerfaced na si Aaron at lumapit sakanya.
"Sorry, Aaron. I already made plans before you even asked me out." Mahina kong sabi para siya lang ang makarinig.
He smiled then pat my head. "That's fine. There's always a next time."
I smiled then wave my hand at him. Agad rin naman siyang umalis.
Kinuha ko naman ang bag ko at lumapit kay Light na nakasimangot.
"That was my move. Tss." Bulong nito at nauna ng lumabas. Suplado mode yata.
"Problema mo? " tanong ko habang sinasabayan ang mabilis niyang lakad.
Bigla naman niyang binagalan ang paglalakad niya. "I thought, sakanya ka sasama." Bulong nito.
Nilingon ko siya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng tainga niya. "Hahahahahaha"
Siya naman ang lumingon sakin. "What's so funny?"
Tinuro ko siya at tumawa ulit. "Ikaw! "
"Why??!"
"Your ears are red." Sabi ko. Agad naman niyang tinabunan yon gamit ang kamay niya. "And, you.. you sound.. Jealous!"