I'm not mean. I'm honest.
//Kuyang Emo//
Days passed at naka-one week na din pala ako sa school. It's not that bad when it comes to my classmates. Ang masama, yung mga epal na professors. Grr.
Anyway, badvibes go away muna ako ngayon kasi it's saturday! Niyaya akong mamasyal ni Jolina. Hindi niya sinabi kung saan but, I'm bored enough sa bahay para sumama ako kahit saan pa yun.
Nagpaalam na ko kay Lola at dumerecho na sa kanto. Nandun naman agad si Jolina na naka-pedal, tsinelas at sando. Habang ako, nakapantalon, long sleeves at dollshoes.
Tumawa naman siya agad. "Ano ba naman yang suot mo Giselle?! Bat ka nakaganyan?!"
"Ako dapat ang nagtatanong nyan sayo. Bat ka nakaganyan?" nagtataka kong tanong.
"Hindi mo ba alam kung san tayo pupun- ay oo nga pala, sabi ko pala surprise. Hehe." nagpeace sign siya at sumimangot. "May dala ka bang pangbihis jan?"
"Oo nga." sabi ko at pinakita ung bag ko.
Nag thumbs up siya. "Good. Pero bago tayo pumunta dun, mamimili muna tayo ng fooooooood." sabi niya at hinila ako sa tindahan ni Aling Cora. "Hi Aling Cora!" magiliw na bati nito.
Ngumiti naman ako at nag-hi din.
"Oh, Jolina, Mikki. San punta niyo?" tanong ni Aling Cora.
"Sa Bus- Joke! Secret ko po yun!" sabi nito at tumawa.
"Nako Jolina ha. Kung san san mo na naman dadalhin si Mikki."
"HEhehe" pagtawa lang naman nito at ayun, namili na nga kami ng pagkain.
After naming mamili, agad kaming sumakay ng bus. Adventurous nga pala si Jolina. Trip niyang mamasyal kahit mag-isa lang siya. Pero it's always better kung may kasama diba?
Nasa pinaka likod kami nakapwesto na part na pinaka ayaw ko. Hindi dahil sa carsickness pero.. it just feels weird.