8-27-16
Chapter 1 - Ang Simula
.....
" Hoy Sarah, nag deDay dreaming ka na naman sa prince charming mong kasing strikto ni Miss Menchin!!" ani ni Yuki na best gayfriend ko. Andito kami ngayon sa canteen ng school namin, at hawak hawak ko ang magazine kung san cover ang gwapitong italyanong, slash ElBis o ElBisaya na si Matteo!!
Si Matteo kasi ang anak ng may ari ng kumpanya kung san nagtatrabaho ang mommy at daddy ko. At nung makita ko ito isang beses, biglang nag tugudog dug dugs ang baby heart ko, since then, naging super crush ko na ito.
" Lutang ka naman beshy??? Hoy Yuki, tumira na naman ba to ng katol ?? " agad na bungad ng kadadating lang na si Klarisse sa akin .
" Klang, Yuki, hindi nyo ako maintindihan dahil di pa kayo nakaramdan ng ganitong sparks in your entire baby life.. Ako, nameet ko na ang Prince Charming ko, kaya nagkakaganito ako." lutang kong paliwanag sa kanila. Sabay lang akong inirapan ng dalawa.
Third year high school na kami dito sa pampublikong paaralan ng lungsod namin. Si Prince Matteo ko,nag aaral naman sa kabilang kalye lang na kung san, puro mga anak mayaman ang nag aaral. Dito sa school namin, ako ang top1 . .Sa school naman nina Matt, sya naman ang top1 . .Alam ko, kasi nga stalker ako ng facebook, twitter, instagram, snapchat, tumbler, at kung ano ano pang account nito. Tsaka, tuwing christmas party ng mga empleyado ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nina daddy at mommy, parati akong present, para makita ko ang super dooper labs ko at makahagilap na din ng balita..
" Hay naku Sarah, sana mauntog ka at magka amnesia para malimutan mo ang kabaliwan mo dyan. Hoy, di kayo bagay nuh! Gwapo yun .. ikaw, well . ." hinawak hawakan pa ng mga ito ang pisngi ko sabay paniningkit ng mga mata na kala mo sinisipat lahat ng pores sa mukha ko.
" Pwede na. .medyo maganda ka naman beshy..Yun nga lang, high school ka pa lang, 1st year college na ang pinapantasyahan mo. May girlfriend na yun..wag ka nang umasa..Tsaka mayaman sila,ikaw. . .medyo lang.. . " patuloy ni Klang.
" hmmmp!! ang supportive nyo" sarkastiko kong sabi. Tumawa lang ang mga ito at nagsimula ng kumain ng turon na meryenda namin.
Di naman sa pagmamayabang, Beauty and brains ako. Makinis ang balat ko kasi alagang alaga ako ni mommy. Unica hija eh..
" pero mga beshy, feeling ko mahal ko na sya eh" sabi ko habang nakatalumbaba.
" Aray!!" biglang sigaw ko ng batukan ako ng dalawang to.
" Wag malandeeee!! Mag aral ka muna oy!! " sabi ni Klang. Umirap naman at lumabi si Yuki.
" Love love ka dyan eh wala ka namang boobs!!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Yuki sabay crossed arms sa dibdib ko.
" How dare you!!! Oo, inaamin ko..Oo na ,wala akong boobs pero may Matris ako,!! Eh ikaw????" maarte kong sagot.
" Akala mo lang wala!! Pero - " si Yuki
" Oh wag sinungaling!!" nakataas kilay kong sabi. Si Klang, nagsimula na itong matawa sa amin. Ganito kasi kami ni Yuki kung mag asaran, akala mo mga artista na nagdadrama sa harap ng camera.
" Eh di wala . Masaya ka na??" si Yuki. At dahil sa sagot nito, humagalpak kaming tatlo sa tawa. Wala kaming pakialam kung may mga ibang studyante ang nakakarinig sa pinag uusapan namin. Ganito kaming tatlo- carefree , at higit sa lahat mga preteeeeeee,!!!
" Beshys-Beshys Forever!!" and we made our signature hug! . . Signature Hug- Yung tatlo kaming mag aakbayan, sabay talon ng tatlong beses at sabay lapat ng mga noo namin sa isat isa with hagikgik.
....
" Hey Gian, congrats on your new cover. .You look so hot and handsome on that page" bati sa akin ng isang babae na di ko maalala ang pangalan. Hindi ko ito pinansin at dumiretso lang ang lakad ko papasok ng room ng next subject ko. I dont have the luxury to play around with dumb women. Dumaan ako sa isang kumpol ng mga babae and they all look at me with admiration. They even waved at me pero inirapan ko lang ang mga ito.
"Suplado" i heard some said it. I dont give a damn anyways. Ganito ako. I always want to be the best. I am trained to be the next CEO ng company namin, and mistakes are not acceptable in my room. Lahat ay kailangang perfect and best. I dont settle to any less than what's best.
" Gian .. " yan ang tawag sa akin ng mga kaklase at kaibigan ko. GianMatteo ang full name ko, and i am not allowing anyone to call me Matteo except my mom and dad. Alam ng lahat ito, even my professors. Pag tinawag akong Matteo, it's either they resign or face the consequence. . Ako ang nasusunod dito. Ako ang magaling at ako ang sinasamba dito sa paaralang pag aari ng pamilya ko. Though im partly the owner of this school, top 1 ako dahil magaling ako. Matalino ako.
" Gian, congrats bro.. Top 1 ka this semester. .Wala talagang makakatalo sayo" ani ni Jiro na syang kaibigan ko.
" I know. Im not surpised anymore." seryoso kong sabi sabay upo sa upuan ko.
" Pero, wag ka .. Yung bagong lipat dito, si Andreus, same kayo ng GPA , mukhang sya ang makakatungali mo sa susunod na sem. Classmate natin sya. Bagong lipat. Nakasalubong ko kanina, . . "
" i dont care. " kampante kong sagot.
Mas maganda nga yun na may makakatapat akong kasing galing ko. .Para may thrill naman.. I was never second best. Im always on top , and i know, i will always will be. .
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.