Chapter 41

4.7K 86 30
                                    




           

41


Say you won't let go


**_**


" Sarah! Ang tagal mong bumaba. . Kanina pa kita tinatawagan" si Derek.

" Natagalan lang sa pagligo, pero di pa naman ako late. . Grabe naman to" irap kong sagot. But Derek remained serious. Iniisip ko tuloy kung bakit ang aga aga eh ang seryoso ng mukha nito.

Ininguso nito ang isang sulok at nang tingnan ko kung ano, bigla akong kinunotan ng noo.  Mula kasi sa kinatatayuan ko, di ko marinig ang pinaguusapan ng dalawang tao, kaya nilapitan ko si Derek.

" anong meron?" bulong na tanong ko dito

" Shhh . .wag kang maingay .. " sabi nito sabay hablot sa akin para di kami makita.

It was Andreus and Andrea. Mukhang nag aaway ang magkapatid, base na din sa kanilang facial expressions.  But i wanna confirm kung totoo ba. .

" Nag aaway?" bulong ko ulit. He nodded at mas lalo pa kaming lumapit. " eh di ba masama ang makitsismis?"

" Gaga, di tayo nakikichismis nuh. Iba nag chismis sa curiosity! Curious lang tayo . .tsaka, involve ka dyan . . " ano daw? Ako involve??

Nasa may veranda ng restaurant ang dalawa. Di ito masyadong nadadaanan at di talaga matao sa sulok na iyon. Bukod kasi sa wala namang magandang view mula doon, eh masyado pang mainit dahil direktang tumatama ang sinag ng araw doon. Hinila ako ni Derek hangang sa pareho kaming nakatago sa isang malaking blinds. Di kami kita mula sa lugar nila, pero kami, naririnig namin sila. .

" kanina pa sila nag aaway. . Inaatake na naman kasi si Andrea ng kanyang kapraningan . " si Derek. Mahina ko itong hinampas sa braso , pero ngumisi lang ito sa akin. " at ikaw ang mapapraning pag narinig mo kung ano ang pinaguusapan nila"  Tinaasan ko ito ng kilay. Ano naman ang koneksyon ko sa pag aaway ng dalawa? Di naman kami close ni Andrea, kahit nung naging boyfriend ko si Andreus. Never din kaming nagchikahan nito dahil masyado itong seryoso at pakiramdam ko nga may sarili itong mundo.

Di ko halos maintindihan kung bakit sila nag aaway. Pero nung may narinig na akong binangit na pangalan, dun na ako kinabahan.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko na ang pinaguusapan nila, napatutop ako sa sarili kong bibig.

" Andreus,  He's here!!" ani  ni Andrea, she seems to be really distracted. And i wonder kung bakit ganito ang reaksyon nya talagang para itong timang!

" Ate!! Stop it. He's not here! Guni guni mo lang ata yun!" singhal ni Andreus

" No!! I saw him! I saw Matteo!! He is here. . He's going to take me home, andreus . .and . – and , i wanna see him . .Baka nga sinusundo na ako ng mahal ko. .But he was not able to see me and find where  my room is. Kaya dapat hanapin natin sya. .Alam kong ako ang pinunta nya dito " she said almost pleading. Pero bakit?

  " ate , ano ba! Wala nga dito si Matteo . "

" I want you to find his room! Gawin mo na ito Andreus, please. . .Nagmamakaawa ako sayo. . Let's find him . .Sya lang ang gusto ko . .please, let's find him . .At nang makauwi na kaming sabay ng Pilipinas. ."

" ate"  Andreus, tried reaching for her arms, pero mabilis nito iyon hinawi  . ., makikita ang paghihirap sa mukha ni Andreus. Tila may gusto itong sabihin pero di nito magawang ibuka ang bibig upang magsalita.

"Just do what i ask you to do!  I want you to find him .Bring Matteo to me . ."

" ate, wala nga kasi sya dito "

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon