Chapter 25

3.6K 93 77
                                    


Possessive  too . . 


**_**


Dinig na dinig ko ang malakas na halakhakan mula sa veranda kung san ako naroroon sa ngayon. Hindi naman kasi ito malayo mula sa bahay kaya dinig na dinig ko sila. Kagigising ko lang. Its past seven in the evening at hindi man lang ako ginising ni Matteo. Mula sa kinatatayuan ko , kita ko ang bonfire sa may malapit sa dagat. Napapaligiran ito ng mga nasa anim na kalalakihan kasama na si Matteo at tatlong babae.


Babae! Bakti parang kung makalingkis ang isa sa mga nandoon ay akala mo pagmamay-ari nya 


Si Matteo, . . at ang Matteo naman, mukhang enjoy na enjoy. Kinalimutan na ata na kasama ako! Kahit na inis ako, kailangan kong bumaba dahil nagugutom ako. Lunch time pa nung last kain ko before I decided to sleep. .Nacheck ko naman kasi ang area kung san gaganapin ang shoot.


" Ay Sarah, iha. . gising ka na pala. . halika nang makakain ka na ng hapunan" nakangiting bungad ni Nay Linda sa akin. Sumunod naman ako sa kanya sa kusina. Maliksi itong kumilos at saglit lang , naihanda na nito ang hapunan ko. Grilled pusit with pipino na may mga kamatis at carrots. With lapu-lapu na gisado sa black beans pa. .


" Sabayan nyo po ako .. " yaya ko dito


" Ha? Ay naku, hindi na. . nakakahiya naman sayo. "


" Sige na po. . kahit sa bahay , sumasabay ako kina Yaya Bella. . At saka di po ako sanay na kumaing mag isa . " amin ko dito. Totoo naman kasi, hindi ako nakakain mag-isa. Ayoko. Di ako sanay .


Nakita kong parang nagdadalawang isip ito. Parang may kung ano sa mga mata nito. It's as if there's something she wanna tell me, pero ayaw nito.


" Nakakahiya naman sayo . .tsaka mamaya pa ako kakain, . Ah ganito na lang, tawagin ko na lang kaya si Matteo para sabayan ka"


" Ayoko ko po . .gusto ko, kayo ang sumabay sa akin. Sabi nyo nga po, di pa kayo nakakain. .Kaya sabayan nyo na po ako" hindi ito nakapagsalita. Kaya tumayo ako at kumuha ng isa pang pingan at nilapag ito sa tapat ko. " Upo na po kayo, at nang makakain na tayo" nakangiti kong sabi


" ah- kasi, nakakahiya . ." halos bulong lang ang lumabas sa bibig nito


" Halina na po kayo Nay . .Upo na po . .At saka, wag po kayong mahihiya sa akin nuh . ."


" Sige. . napakabuti mo naman . .ang swerte ni Matt sa yo . ."


" Po? ay naku, wag na muna nating pag usapan yun . .Gutom na po ako . .Kain na tayo'


At sa wakas, umupo na ito at kumain nang sabay sa akin. Ang dami nga naming napagkwentuhan. Nalaman kong may dalawa itong anak at ang asawa nito ay sumakabilang buhay na pala. Si Isko ang panganay nya na isang mangingisda. May sarili din daw itong pwesto sa palengke kung saan naroon ang asawa nito. May isa na din pala itong anak. .At yung bunso naman na si Myla , na sa city hall nagtatrabaho. Scholar ng foundation nina Matt. . Madami pa itong kinuwento about sa buhay nya, . Masaya ako at nakakwentuhan ko ito.

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon