Chapter 32

4.9K 96 23
                                    


Servant's Queen


**_**


"Anong oras na, kailangan ko pang maglaba." Angal ko kay Matteo. Ang bagal kasi nitong mag maneho, pakiramdam ko nananadya ito. Di naman kasi ganito kung magmaneho ito, pero ngayon 40 lang ang takbo nito.


" Sabi mo kasi dahan dahan lang, kaya eto oh, sinusunod lang kita" nakangising sagot nito. Di pa din nito binibitawan ang kaliwa kong kamay at kahit na nagmamaneho ito, panaka naka ay hinahalikan nito ang palad ko.


" Tss. . magluluto pa ako ng ulam natin. And it's already 4 pm! Bilisan mo na kasi!" i ranted


Tumawa muna ito saka umiiling iling na sinunod ang utos ko. And minutes later, nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Nauna akong lumabas at binuksan ang gate upang mapasok nito ang kotse.


Nakakatawa ngang isipin na para kaming mag-asawa.


" Ako na maglalaba" napahinto ako sa pagpasok ng susi sa pintuan ng marinig ko ang sinabi ni Matt. Nilingon ko ito at kita kong seryoso ito sa kanyang sinasabi.


Bitbit ni Matt ang limang bag ng mga groceries namin, kunot noo ko pa din itong tinitingnan.


" Seryoso?" tanong ko


" Yup. . now open the door at nang mailapag ko na ito sa kusina at nang makapagsimula na ako sa labada , misis . ." sabi nito at kinindatan pa ako. Misis? Ako? Tama bang pagkarinig ko ?? Parang nabibingi na ata ako . . " Misis, natulala ka .. " at mahina itong humalakhak


" Ha? . . ok" para pa akong nataranta sa narinig ko. " shit" hindi ko mapasok ang susi sa keyhole ng doorknob namin. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Ang simple lang naman ng sinabi nito pero iba ang epekto.


Nang sa wakas ay nabuksan ko na ang pintuan namin, agad ko itong niluwagan nang makapasok si Matteo. Diretso naman nito tinungo ang kusina at nilapag sa mesa ang mga binili namin.


" by the way, parating na ang magkakabit ng bagong aircon sa kwarto natin. " Natin. Natin? Natin! Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang kasasabi lang nito. Kelan pa naging sa aming dalawa ang kwarto Ko?


Di ako nakapagsalita at puno ng pagtatanong ang mga mata ko. At mukhang nagets naman nito.


" naisip ko lang na palitan yung aircon kasi di na masyadong malamig, tsaka ang ingay ha. . Kita mo kagabi, sobra nating pawis sa ginawa natin-


" shh. .stop . .stop there .. wag mo nang ituloy Matteo!, my God! " at talagang pinapaalala pa nito ang nangyari sa amin kagabi . Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha! Kaya tumalikod na lang ako at isa isang nilagay sa cupboard ang mga pinamili namin.


Narinig ko naman ang mahinang tawa galing kay Matteo.


Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon