Cellphone**-**
“ Nak, kumusta ang unang araw ng training?”
“ mommy.. ah kasi po- “
“ oh may problema ba?” pauwi na kami ni mommy galing sa school. Eto na ang sumundo sa akin dahil si daddy nag overtime pa. Magkatabi kami ngayon sa likuran ng taxi. Hila hila ko ang hem ng blouse na uniform ko habang kagat labi. Ganito kasi ako pag kinakabahan. Minsan sa sobrang kaba ko, nasusugatan na ang labi ko sa pagkagat.
“ my, .. mamaya ko na po ikukuwento pagdating sa bahay.”
“ ikaw bahala. Basta sana nagenjoy ka.. “
.
“ opo my. Super po akong nag enjoy”Makaraan lamang ang halos bente minutes ng marating namin an gaming bahay. Bumaba na ako una habang si mommy ay nagbabayad pa sa taxi driver. Ako na ang nagbitbit ng pinamalengke ni mommy. Alas singko y medya pa lang naman, maaga pa nga ito, minsan kasi lagpas alas sais na umuuwi sina mommy at daddy. At madalas, mag isa lang ako sa bahay, wala naman kasi kaming katulong.
Kaming tatlo lang ang masayang namumuhay dito maynila, pareho kasing ulila na sina mommy at daddy, at parehong walang mga kapatid. Kaya lumaki akong magisa, at walang kinikilalang relatives. Puro mga kapitbahay lang namin ang tinuring kong pamilya.
“ hello aling Nitang. Kumusta po” bati ko agad sa matandang nagbabantay ng tindahan sa side ng bahay namin.
“ ok lang Asher. Ikaw kamusta ang school?” ganting sagot nito sa kin
“ ok lang din po.. ako pa din po ang pinakamaganda” biro ko dito
“ asus!! Syempre sigurado tayo dun, sa akin ka nagmana ih”
“tama po kayo aling Nitang!!” at sabay kaming nagtawanan. Si nanay, nakitawa na lang din habang umiiling iling. Lahat ata ng kapitbahay namin ay kaibigan ko, kasi lahat ng assignments ng mga anak nila ako ang gumagawa-well, tumutulong lang pala.
“ halika na beh, magbihis ka na at maghahanda na ako ng panghapunan natin” yaya ni mommy sa akin. Bebeh pa din tawag nito sa akin, silang dalawa ni daddy. Asher naman sa mga kapitbahay ko, kahit ang totoo , sarah ang gusto kong itawag nila sa akin. Pero asher daw ang mas maganda at bagay sa akin, kasi tunog banyaga kuno.
Mabilis lang ako nagbihis ng pambahay, pero habang naglilinis ako ng katawan, di maiwasang makaramdam ako ng hapdi sa tuhod ko dahil sa sugat na natamo ko kanina.Pajama at tshirt, yan ang attire ko sa bahay parati. After kong makapagbihis, pumuwesto na ako sa kusina at umupo sa bakanteng upuan .
“ My, anong niluluto mo po?”
“ sinigang na may sili. Paborito nyo ni daddy mo.”
“ naks naman!, paano diet ko neto , mukhang mapapadami kain ko ngayon ah!”
“ aba’t bakit ka nagdadiet? di ka naman mataba ah"
“ ihh.. joke lang my..” sabi ko habang nagpi-peace sign pa. Napailing na lang si mommy.
“ ah eh, teka. . wala ka bang load? Kanina pa kasi kita tinitext, pero di ka sumagot? Nung tumatawag naman ako, nagriring naman . ” Tanong nito sa akin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Napangalumbaba ako bigla sa mesa at nakalabing tinitigan si mommy.
“ anong nangyari Sarah?” binitiwan nito ang sandok at hininaan ang apoy saka naupo sa tapat ko. “ May nangyari bang masama?”
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.