Chapter 42

5.1K 97 29
                                    




42


Love is all that Matters


**_**


" ano nang balak nyo?" bulong ni Derek sa akin. Katatapos lang namin ng shoot at impake na kami ngayon. Nagkibit balikat lang ako. Dahil sa totoo lang, wala naman akong balaka na itago si Matteo.


" i dunno. .baka lumipat na lang kami ng hotel or uuwi na ng Pinas ng mas maaga. . " sagot ko sabay pasok sa mga bags ng camera lenses ko. Ewan ko ba kung bakit parang gusto kong ilayo si Matteo sa kanila. Selfish ba ako? Nah – im just teritorial.


" Dont worry, after today, you are free to go. I might as well look for New photographer na pwedeng sumama sa akin sa mga out of country shoots ko nuh. . " napatigil ako sa pagligpit ng marinig ko ang sinabi nito. Nakapameywang akong humarap dito. Nakataas ang isang kilay ko dito. He's just smirking, na para bang alam na nito ang gusto kong mangyari sa buhay ko.


" and what do you mean by that?" i dared him.


" Well . . as we can see right now, gusto mo nang itali sa yo ang mahal mo. . And that means, kung nasaan sya, andun ka. . Di na kita pwedeng hilahin anytime para samahan ako. Dahil ngayon, hindi na career mo ang top priority . .And . ."


" and. . "


" It's ok Sarah. . Im happy for you" dito na ako biglang yumakap sa kanya. Napakaswerte ko sa mga kaibigan. They are the ones who would always think of my happiness beforehand. Talagang, they are making sure that im happy and that i am surely contented of whatever decision i have in mind.


" what will happen to me if I did'nt meet you" bulong ko


" You'd be lost and ugly probably" nahampas ko ito dahil sa huling salita na lumabas sa bibig nito.


"Kainis ka"


" biro lang yun.. lam mo naman na ikaw pinakamaganda sa tin . .Si klang ang pinakamagaling kumanta. . Si Yuki , ofcourse dyosa yun at ako naman ay tamang maganda lang . ."


" hahaha . Kaloka ka! . .i love you " sabi ko


" aww. . and i love you too so much . .Now Go!! Ako nang bahala sa lahat ng nandito. Tsaka may mga junior photographers tayo na mga julalays ko. .. Kaya na nilang bitbitin ito . "


Huminto ako saglit at tinitigan lang ito. Totoo ba ang mga narinig ko? Di ko alam kung papaano ito pasasalamatan. Derek is just giving me all the chances to make things right. Alam kong mali ang mga naging desisyon ko before. I know I did something wrong para lumayo nang tuluyan ni Matteo sa akin. Ang daming taon na ang nasayang sa amin. And I think it's about time that I do the move para sabihin dito kung gaano ko ito kamahal. Nararamdaman ko naman na mahal ako ni Matteo, pero kahit di nya pa sabihin, ako na unang magsasabi dito. Bahala na kung di man nya ito paniwalaan or kung di nya ito tugunan. . I'll lay all my cards now. It's now or never.


I hugged Derek once again. " thank you" i sincerely told him. He just patted my back and gave me a sweet kiss on my cheek. " go win your man, Sarah" sabi nito sa akin bago ako binitawan.


Pagkalabas ko ng area namin, I hurriedly called a cab . Agad ko naman binigay ang hotel address namin, at halos sampung minuto lang ang makaraan, nasa loob na ulit ako ng hotel.


Tinakbo ko na ang elevator. Aba, kailangan kong magmadali. .I need to tell Matteo how much i love him .


Ngayon ko napagtanto na totoo yung kasabihan na pag nagmamadali ka, mas lalong tumatagal ang oras. Pakiramdam ko ang bigat ng elevator , dahil ang tagal nitong dumating sa floor ng hotel room namin!! Nakakainis ha! Palihim na akong nagpapadyak, ang tagal naman kasi eh. At hindi po ako atat., nagmamadali lang!


Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon