Selos Eh . .
**_**
" hoy Sarah, sagutin mo na nga yang tawag ng jowa mo!" sigaw ni Klang sa akin. Masama ang tingin na nilingon ko si Klang. Nasa kalagitnaan na nga kami ng dagat, nakahagap pa din pala ng signal ang cp ko.
Scuba diving kami ngayon, at isang araw ko ng di sinasagot ang mga tawag at texts ni Matteo. Eh bahala sya sa buhay nya! Napakalaki ng Maynila, pero sa isang hotel pa sila nagcheck in ni Myla? Ano yun, coincidence lang?? Oo , ako na ang magiting na stalker ni Mylandi sa Facebook, twitter at IG nya! At OO, HINDI ako nagseselos!!
" Sarah, sa akin na tumawatag oh .. anong sasabihin ko??" worried na tanong ni Klang.
Maano naman ba ang umuwi sya sa Condo nya at doon magpalipas ng gabi? Aba! Nag hotel pa! At ang akala ko ay nasa site sya nang bago nilang branch, pero na Manila Pen nag check in? May picture pang kasama sa dinner si Myla!! Nakakainis lang ha!
" Sabihin mo sa kanya, busy akong lumalangoy kasama ang mga pating!" sigaw ko sabay lundag sa banka at diretso sa napakagandang dagat!
" Woooaah! Dito Sars, mas clear ang mga corals" si Derek. Lumangoy naman ako palapit dito, pero nilingon ko muna si Klang na kausap na siguro si Matteo sa cellphone nya. Hmmp, bahala sya sa buhay nya.
" Klang! Talon na dito! " sigaw ni Yuki. Si Klang at ang bankero na lang kasi ang nasa banka, kami nina Yuki at Derek nagbababad na sa dagat.
" Oo! Saglit , tatapusin ko lang tong tawag na to" ganting hiyaw ni Klang
" Later na yan Klang" si Derek naman. Tumango tango ito bago sumenyas na mauna na kaming lumusob.
Nakita ko pang parang may pinapaliwanag si Klarisse sa kausap. Alam ko naman na si Matteo ito eh.
" Beshy. . ang haba ng hair ha. .si Matteo mo , mukhang pursigido talaga . ." ani ni Yuki
" Wag na muna natin yang pag-usapan, sumisid na nga tayo" sabi ko sabay sisid. Nakita ko ang mapaglarong mga ngiti ni Yuki na sumunod din sa akin pgkakuwan.
Napakaraming mga corals at ibat ibang klaseng mga isda. Ang ganda talaga ng karagatan, pero ang utak ko lumilipad!
Klarong klaro sa isip ko ang post ni Myla- Mylandi na babaeng yun, ' with my date' , yan ang post nya with her picture and Matt na nasa isang mesa. Matt was neither smiling nor frowning. Pero magkasama sila!! Wala na akong pakealam sa kung sila lang bang dalawa sa mesa o marami sila, dahil sa paningin ko silang dalawa lang ang magkasama!!!
Ayyyy!! Si matteo ang naiisip ko! Nakikita ko! Wala na , natitimang na ako!!
Di ko maenjoy ang scenery kaya umahon na ako.
Mabilis lang akong lumangoy pabalik sa banka namin. wala na din si Klang dito dahil lumusong na din ito.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.