36
Room
**_**
" Bakit kasama natin si Andreus?" takang tanong ko kay Derek. Kakarating lang namin sa hotel na ookupahin ng team namin. As usual, isang room lang kami ni Derek. Nakasanayan na namin ito at walang halong malisya ang pagshare namin ng isang room.
" i told you, kasama sya sa research team diba?" sagot nito. Magkasabay na kaming naglalakad patungong reception area kung san kami mag bu-book.
" eh bakit nga kasama sya? Negosyante sya , di naman sya researchers . ."
" I dont know. . You better ask him pag magkita tayo bukas para sa briefing.For now, can we just go to our room , change our clothes, order food and rest?! "
" Ok fine"
Derek started filling up the necessary forms para sa check in namin. Pero nang ipasa na ito ni Derek at nang mabasa ng receptionist, nagulat kami ng may sabihin ito sa amin.
" Sir, are you with Ms. Sarah Asher Geronimo?" ani ng receptionist.
" Yeah " kunot noong sagot ni Derek. Nagtaka ako kaya ako na ang nakipagusap dito.
" Yes Ms, is there anything wrong? Im Sarah . ." sabi ko.
Ngumiti naman ito sa akin saka may kinuhang card at binigay sa akin., pero nanatiling nakatingin lang ako sa nakalahad na card sa harapan ko.
" Sir, Ms. Sarah is already booked to a different room"
" what?" sabay kaming halos na sumigaw na sumagot dito.
" Yes" tumatango-tangong sagot nito. Pero kita sa mukha nito na nagulat ito sa reaksyon namin. Kahit naman sino siguro ay magugulat kung sabay kaming halos mapasigaw ni Derek.
" nakabook na ako?" litong tanong ko kay Derek. Di ko muna pinansin ang receptionist na nakangiting ibinibigay sa akin ang card ng room ko.
" I didnt book our room yet" si Derek
" Eh bakit daw nakabooked na ako?"
" Aba ewan . .sandali nga at kakausapin ko muna to, baka naman kapareha mo lang na pangalan." Sabi ni Derek saka ito tumingin muli sa receptionist.
" Miss, i guess you made a mistake on Sarah's room. She's with me, and im only booking our room just now, how come she had her separate room already booked under her name?"
" Im sorry sir, but Mr. Guidicelli already paid Ms. Sarah's room. "
" what!!?" makapanabay na sagot na naman namin.
Anong drama na naman to ni Matteo? Paanong nalaman nito na dito kami sa hotel na pupunta. .Derek looked at me with disbelief . .
" Akala ko ba di mo alam?" tanong nito
" Hindi ko nga alam! Tsaka, paano nalaman ni Matteo na dito tayo sa hotel na to na mag sstay?" balik na tanong ko dito
" I dont know. Ibang klase din yang boyfriend mo. Lahat ata ng lakad mo ay gustong alamin. Kalain mo yun, ang layo mo na nga sa kanya, nagawa ka pang bantayan. . Wow ha. . Haba ng hair mo gurl!"
" Shut up Derek! Hindi ko alam na ginawa nya to! " irap ko dito saka ako lumingon muli sa receptionist.
" Im sorry, but may i know when did Mr. Guidicelli book me room?"
" Ma'am, he booked the room 16 hours ago. . And he's also making a call from time to time, to check if your team had arrived safely in our hotel. He also paid your stay fully ,and if ever you want to do some changes, feel free to tell us."
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.