Short update lang po ito, baka kasi malimutan ko at di ko na maisip ito bukas. .Since di ako makatulog dahil sa sobrang caffeine sa katawan ko, naisulat ko ito . .pagtyagaan nyo na lang po . .SALAMAT po pala sa lahat ng nagbabasa, nagvovote at nagcocomments . .Super po akong masaya . . labyu ol!
________________________________________________________________________________
28
Risk . .Ready or Not?
**_**
" Oh ba't para kang susugod sa digmaan, tindi ba ng selos?" nakangising tanong ni Klang
Katatapos lang namin sa sa shoot. Buti nga at nairaos ko. Propesyonal eh!
" anong digmaan ba yang sinasabi mo?" irap ko dito. Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Tapos na ang trabaho namin, mag na-night picnic daw kami dito. Hawak ko ang phone ko, im not waiting for any texts from him. Im not even expecting . . But damn, nakakainis!!!Buong araw kong inabangan ang text nya, pero ni isa, walang dumating!!
" Hoy Sarah, iyang kilay mo magkadikit na! Tawagan mo na kasi. ." biglang sulpot ni Yuki. Para itong kabute na bigla na lang sumusulpot!
" alam nyo, kayong dalawa, para kayong mga timang!, Tulungan nyo na lang akong magbitbit nitong mga pangatong natin! At saka, wala akong pake alam sa Matteo na yan at sa Myla na yun!"
" Ay hindi nga galit. . " sabi ni Yuki, at nagkatinginan sila ni Klang, tapos biglang nagtawanan.
" Ewan ko sa inyong dalawa!!" tinalikuran ko ang dalawang to saka mabilis na naglakad palayo sa mga ito. Pero mukhang , trip na trip nilang asarin ako, dahil sumunod sa akin.
"Beshy, maganda din naman pala itong Myla na to nuh " ewan ko ba kung sadyang pinaparinig ni Klang sa akin ang usapan nila ni Yuki.
" ay oo . .tsaka kung manamit, ang sesesksi . .Di tulad nung isang kaibigan natin na super conservative. . " dagdag ni Yuki
" Oo nga Beshy . .Maganda sana katawan, pero tinatago sa tshirt . .Kaya ang boylet, naglipat bahay . .Dun sa seksi manamit tumabi . ." si Klang
" Ay ang galing. . Nakaakbay pa ang Myla kay Papa Machew!!? "
Huminto ako sa paglakad at lumingon sa dalawa. Pareho silang nakatingin sa cellphone na alam kong kay Klarisse. . Seryosong seryoso ang pagkatitig ng dalawa.
Curiosity is crawling inside my veins. Gusto kong hablutin ang cellphone at tingnan ito ng personal.
Nagpupuyos sa inis ang damdamin ko. .Hindi ako nagseselos! Ano naman ngayon kung mas seksi manamit ang Myla na yun? Ano naman ngayon kung nakaakbay ito kay Matteo?? Wala akong pake alam!!wala, wala, wala. . Pero naman kasi, nakakainis ih!!
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.