Chapter - 18

3.6K 78 34
                                    

Bangayan . .

**_**

“ Klang, let’s dance” tumayo ako agad sabay hila kay Klarisse. Alam kong nagulat sina Jax sa inasal ko . iKahit si Matteo, mukhang nagulat din,kaya hindi ako nito napigilan.


Hindi naman sumagot si Klang, pero sumunod naman sa akin. Mabilis ang bawat hakbang naming dalawa. Nawala na nga ang konting kalasingan ko.


“ Sandali naman. Ang bilis mong maglakad, baka mahulog tayo sa hagdan!” sigaw ni Klang. Maingay ang buong bar. Maraming tao. Mausok na din at kita sa mga nandito sa loob na lasing na ang iba. Binalewala ko ang bulyaw ni Klang sa akin.


“ Sarah! Naka heels tayo!! Baka pareho tayong madapa neto!!”  dun na ako napatigil. Oo nga pala, naka six-inch heels kami!


“ sorry  . .” halos bulong na sabi ko. Napahinga naman ng malalim si Klarisse. Naramdaman ko na lang na ito na ang humihila sa  mga kamay ko. Di ko alam kung san kami patungo. Kaya nagulat na lang ako nang mapagtanto kong nasa gitna na kami ng dancefloor,


“ Woooohhh!! Let’s parteee!!!” Klang shouted at the top of her lungs. We were jumping and shouting and dancing to the rhythm we both don’t know, yet we both could follow to! .Walang pake alam ang mga nagsasayaw. Malakas at maingay ang klase ng tugtog ng musika na meron sa bar na ito. May mga magkayakap na sumasayaw, may parang akala mo ito ang nagmamay-ari ng dancefloor at mayron din na parang nag –aano na sa gitna ng dancefloor. Arujusko! Iba na talaga ang mga kabataan ngayon!


Umindak kami sa salyo ng musika na parang kami lang ang tao sa gitna ng dancefloor. We swayed our hips, we laugh loud and we even threw our hands up in the air.


“ Woahhhh ! “ sigaw ko.


“ Body shot!! Body Shot!! Body Shot Time!!” sigaw ng DJ na ikinatigil ko.


“ What was that?” nilapit ko pa ang bibig ko sa tainga ni Klang para marinig nito ang sasabihin ko.


“ I don’t know! .  “ ganting sigaw nito.


Nakita kong huminto sa pagsasayaw ang mga kasama namin, then the dj again talked.


“ This is just for fun! Who’s in???”


Lahat ay nagtaas ng kamay at nagsisigaw. Mas lalong lumakas ang tugtog ng musika. Mas lalong dumami ang nakisayaw. Halos magkanda dikit dikit na ang mga katawan namin. Ni hindi ko nga alam kung sino na ang humahawak sa akin. Pero kami ni Klang, dedma lang at enjoy na enjoy ang pagsasayaw.


“ Spotlights On!!” ani ng DJ. Nalaman din namin, na kung kanino tumapat ng spotlight, sila ang gagawa nung body shots. Ang hindi papayag, magbabayad ito ng dalawang libo. Ibang klase din ang trip ng bar na ito.


Some of the waiters were already in place , dala dala ang shot glass na naglalaman ng tequila. There were also limes and lemons, and salt. Handang handa na talaga!


HInila ko na si Klarisse pa gilid, dahil ayokong sumali.  At saka ayokong mapahamak si Klang kung sakaling tumapat sa kanya ang spotlight. Mahirap na baka maheadlines ito kinabukasan.


Pero nang pababa na kami, saktong umilaw sa kinatatayuan namin ang spotlight!


Crap! Kung mamalasin ka naman talaga!!


“ Body shot!! Body Shot!!” lahat sila ito na ang china-chant. Di ko tuloy sigurado kung sino sa amin ng Klang ang na-spotlight. Pero mukhang ang DJ ang nakakaalam dahil sumigaw ito . .


Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon