Chapter 24

3.6K 80 97
                                    


Batangas


**_**


" San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Matteo habang papalayo ang sinasayan namin. Nakatuon lang ang atensyon nito sa pagmameneho. But his right hand is holding my left hand. Panaka-naka, hinahalikan nito iyon.


" office . . " tipid nitong sagot


" at ano naman ang gagawin ko sa opisina mo?"


Nagkibit balikat lang ito saka nagpatuloy sa pagmamaneho.


" Hai ..ewan ko sayo" at pasalampak akong nanatiling nakaupo. I just turned my head to the window at sa labas ko na lang itinuon ang aking paningin. Ano ba ang plano ng lalaking to. Di ko maintindihan.


Parang kanina lang, sobra nitong sweet tapos ngayon, ang cold na ulit.


" we're going to Batangas" biglang sabi nito, kaya napalingon naman ako agad dito.


" Seryoso? Akala ko ba sa opisina lang tayo? Bakit may pa-batangas na ngayon?"


" relax. .dadaan talaga tayo ng opisina. . andito na tayo" saka ko lang narealize na naipark na nito sa tapat ng building ang kotse. Literal sa harapan ng entrance ng building nito iniwan ang kotse. Iba talaga pag ikaw ang nagmamay-ari ng buong gusali, kahit san kasi pwede mong ipark ang sasakyan mo.


Mabilis itong bumaba at umikot upang pagbuksan ako. Gentleman pala ito. Inalalayan pa ako nitong makababa,bago nito ibinigay ang susi sa isa sa mga tauhan nito.


" ready na ba ang sasakyan namin?" tanong nito sa isang nakaunipormeng lalake.


" yes sir . ."


" Good . ." at hawak kamay kaming nagtungo sa elevator. Marami ang lumilingon at tumitingin sa magkahinang mga kamay namin. Maybe they are wondering kung bakit magka holding hands kami ng boss nila.


" matt. . " tawag ko dito.


" Yes?" huminto ito sa paglakad at nakangiting lumingon sa akin.


" anong gagawin natin sa Batangas?" tanong ko. Hinila ako nito kaya bigla na lang akong napasubsob sa dibdib nito.


" check the area. . sa Thursday na shoot mo doon, .i want you to see the place kaya kita dadalhin dun"


" Ah .. ok .. " yung lang ang lumabas sa bibig ko. Tuluyan na akong nagpatianod kay Matteo. Kaming dalawa lang ang sakay ng elevator patungong 18th floor kung nasaan ang opisina nito. Ang buong floor na to ang opisina ni Matteo . .


Nakilala ako ng receptionist sa floor ni Matteo kaya ningitian ko ito, pero ang Matteo, diretso lang ang lakad. Ang suplado nito.

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon