Chapter 27

3.6K 91 46
                                    


..

**_**


" Sarah, can we talk?" si Matteo. Halos dalawang araw ko na ito di pinapansin. Mula ng nangyari ang muntikan ng 'lovescene' namin, ay umiwas na ako dito. Thankful din ako at narito si Tita. Sa kanya na ako dumidikit palagi, ang naging successful naman ako , so far. .


" Matt . . wala tayong pag uusapan. Tsaka, busy ako sa shoot. Can't you see, ngarag kaming lahat dahil di natin napaghandaan ang weather. Yan tuloy, kinailangan nating magbuhat ng mga kagamitan papasok dahil biglang umulan. . " mahabang litanya ko sa kanya habang patuloy na inaayos ang camera lenses ko. Ang mga nauna namin kasi na inayos na mga gamit, ay agad naming niligpit dahil biglang bumuhos ang ulan. Buti nga at nakunan ko na ang mga teenagers na models ng Teen Apparels nila. Konting konti na lang ang kulang. . Mamaya namang lunch ang dating nila Klang. .Di ko tuloy alam kung kaya kong kunan ang sunset with Klang mamaya. . Pero, patigil naman din kasi ang ulan, kaya sana , pwede. .


" Bakit mo ako iniiwasan?" tanong nito.  Tumalikod ako dito at nagpangap na tinatangal ang  lente ng camera ko.


" Hindi naman ah. Nagkataon lang. . " sabi ko sabay iwas dito


" Bullshit! Ano bang ginawa ko sa yo at hindi mo ako pinapansin? Tell me Sarah!, hindi ako manghuhula" sigaw nito. Walang kahirap hirap ako nitong pinaharap.  He even cornered me, at talagang wala akong takas. Andito kami ngayon sa loob ng tent kung nasaan naroroon ang mga lightings namin.


" Im not. Hindi kita iniiwasan." Mahina kong sagot. Pero mas lalo lamang nitong inilapit ang katawan sa akin .I tried pushing him , pero di ko kaya. Kaya ang dalawa kong kamay nanatili na lang sa dibdib nito.


Mataman ako nitong tinitigan. He look unsated. And his aura makes me feel nervous. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko sa ngayon. Nagpatuloy lamang ito sa paghakbang. Mas pinaliit nito ang espasyo ng mga katawaan namin.


" Matt. . ano ba" mahinang tulak ko sa kanya. Pero di man lang ito natinag.


" What did i do , Sarah?"


" tsss. . Matt . . "


" tell me. . Bakit ka umiiwas?"


Naramdaman kong tumama ang likod ko sa isang mesa, hudyat na wala na akong aatrasan pa. . Nagsalita ako , pero di ko kaya ang tumitig sa kanyang mga mata. Kaya binaba ko ang mga tingin ko.


" Hindi kita iniiwasan. . maniwala ka. . Busy lang talaga ako . . Tsaka , nagsimula na ang shoot. .ayoko naman na hindi maganda ang kakalabasan ng mga litrato . ." halos bulong na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. .


" Fine! " nakita kong sinuklay nito ang sariling buhok saka marahas na huminga. . He talked again after a while. .


"Then be with me after the shoot. . " Mahinahon nitong sabi. Napataas ako ng tingin bigla. Di na ito galit? Ganun lang kadali??

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon