Unexpected
**_**
" So pumayag ka??"
" Klang! Oo naman nuh . Alam mo naman na lahat ng hihilingin ni Tita, gagawin ko"
" that means, ikaw ang photographer namin sa sabado? "
" oo "
" Yahhhhh!!! Beshhhyyy , , excited ako!!"
Di naman halata na excited ito. Oh, speaking of Klang – o mas kilalang si Klarisse ang syang pinakasikat na mang aawit ng pinas. Yes, natupad nito ang pangarap na maging recording artist. Pero , tinapos naman namin ng sabay ang college. After nitong manalo sa isang singing contest, kabi-kabilang recording offers ang natangap nito. Si mommy nito ay nag early retirement talaga para lang maging full-time manager/handler/p.a ni Klang.
At isa si Klang sa mga endorsers ng GFC at gaya ng sabi nito, ako ang kinuhang photographer ng kumpanya para sa summer campaign ng catalog nito.
" Keri lang?" tanong nito.
"Keri lang , ang alin?" naguguluhang tanong ko pabalik dito. Di ko kasi maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig.
" Asus, nagmamaang maangan"
" Klang, ano nga!?"
" Makakatrabaho mo si Matteo!"
" Ah . yun ba. . keri lang"
" Oh eh di ikaw na ang magaling magtago"
" Anong magtago?' naguguluhan na talaga ako sa takbo ng usapan namin. Di ko na alam kung san patutungo ito.
" ng feelings!! "
"Klarisse!!! "
" oo na!! Oo na, natanong lang naman.. " alam na alam nito na pag buong pangalan na nito ang tinatawag ko, naiinis na ako. Kaya gaya ngayon, titigilan na nito ang pangungulit sa akin.
" Zero! Tandaan mo yan. Zero na ang kung anong percentage na pagkagusto ko ang natitira kay Matteo. Kaya please lang, wag mo nang ungkatin pa ang nakaraan. We both have moved on. Ako masaya na ako sa kung ano man ang buhay ko ngayon,, at sya - . . well, i don't give a damn at all!"
" Pak!! Ikaw na ikaw na ikaw na talaga!! I am so proud of you Beshy"
" I know right! " at sabay kaming nagtawanan sa telepono. Miss na miss ko na sila ni Yuki. Si klang kasi, sobrang busy ng sked. Napaka in demand na artist nito. Katunayan nga nito, next month may concert ito sa araneta . And si Yuki, nasa New York, stylist na kasi ito kaya busyng busy din. At ako naman, puro abroad din ang destinasyon ng trabaho ko .
Matapos naming magchikahan pa, nagpaalam na kami sa isa't isa. At gaya ng napagusapan, sa kanila ako matutulog after ng shoot namin, para naman daw mag catch up churva kami. I vi-video call na lang daw namin si Yuki,
Pagkababa ko ng tawag, pinagpatuloy ko na ang paglilinis ng pad ko. Halos dalawang buwan din itong bakante. Kahit naman may pinapadalang tagalinis si Tita sa unit ko, di pa din ako kuntento. Kaya eto ako ngayon, magi sang naglilinis.
Sunod sunod na doorbell ang nagpatigil sa pagtatrabaho ko. Wala naman akong iniexpect na bisita, kaya sino naman kaya ito?
Mabilis akong bumaba mula sa second floor kung san ang kwarto ko at tinungo ang pintuan.
" baby.. surprise! "
" Tita – ay My! . . Pasok po . ."
" I brought you lunch. Alam ko kasing wala ka ng time na magluto pa, " dire diretso na ito sa kusina at nilapag sa mesa ang mga dinalang pagkain. Nakasunod naman ako dito. Si tita kasi ang bumili ng unit na to. Actually , utang sya. Ayaw ko kasing tangapin ang unit na to na binigay nya for my graduation, kaya sabi ko, utang ito at babayaran ko sya ng hulugan. Nung una ayaw nyang pumayag, pero nung sinabi kong di ko ito gagamitin hangat hindi sya pumayag na bayaran ko, wala na din syang nagawa at um-oo na lang sa gusto kong mangyari.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.