Chapter 57

5.1K 83 27
                                    


Bitin....

^^~^^

Ang sakit ng ulo ko pagkagising. Ni hindi ko namalayang mag gagabi na pala. Gulong gulo ako ngayon. Pagkatapos kong sabihin ang lahat lahat kay Matteo, paano pa ako haharap sa kanya ngayon?

What if, iwan nya na ako?

Naiisip ko pa nga lang naiiyak na ako.

Sinikap kong bumangon at dumiretso ng banyo. I need to freshen up. I need to think of a better ways para maglaho itong mabigat na dalahin.

Madali lang ang ginawa kong pagligo. After kong magbihis, lalabas na ako upang kumain.. alam kong wala si Matteo.. but my heart is hoping na sana nasa labas lng ito ng kwarto ko..

Pinili kong suotin ang gray t-shirt nito , at ang isang pares ng cotton shorts ko. Nag blower ako saglit bago minessy bun ang buhok ko.

" yes sir.. opo . "

Teka..,napahinto ako sa paglakad when i heard voices from the living room. Maliit lang ang unit ko kaya alam ko kung kelan madaming tao sa loob nito.

Bakit may mga tao dito? Or am i still dreaming??

" hoy yuki, tumigil ka na dyan sa kakalapit kay Julio!!" Boses ni Klang Yun. Teka, Julio??

Dali dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto,  at natigil ang lahat pagkakita sa akin.

" besh!!! Gising ka na"  napatayo mula sa kinauupuan si Yuki saka mabilis na yumakap sa akin. Ganun din ang ginawa ni Klang.

" besh.. halika na, kumain ka na muna"

" teka lang. . Sandali lang ha, anong ginagawa nyo dito? " tanong ko.

Yuki, Klang, Julio , Nino and Miles. Bakit sila naririto?? Anong meron??

Si klang ang sumagot sa tanong ko.

" nakalimutan mo atang may pizza night tayo nina Yuki ngayon?!?"

" i forgot? " patanong ko. Wala kasi talaga akong maalalang may pizza night kami ngayonzKlang rolled her eyes on me saka ako binitawan. Si Yuki naman ang umabrisiete sa akin sabay talak!

" ganyan ka na!! Makakalimutin ka na! Nalilimutan mo na kami kasi may bago ka nang beshies! Si Julio na ang ipinalit mo sa akin!! Tapos dinagdagan mo pa ng Miles at Nino!! Sila na lang! Sila na lang parati!!"

" tumigil ka nga sa kakaarte mo!" Irap ko dito. Maarte talaga tong Yuki na to. Ang drama!

Napansin kong nasa isang tabi lang sina Nino at Julio. Nakaupo ang mga ito sa sofa habang si Miles ay nasa pang isahang upuan. Ngumiti ako at binati naman nila ako.

Mayroon akong hinahanap na tao. Im looking for Matteo.

Andito din kaya ito? O tuluyan na akong iniwan nito.

" Sara, kumusta ka na? Di mo man lang sinabi sa amin na may masakit pala sa yo kanina" Si Miles. Ngumiti ako saka nagsalita.

" biglaan lang din. Pasensya na kayo ha"

" ok lang yun Sars, atleast ok ka na ngayon. " sagot naman ni Nino.

" salamat sa pagalala. oi 'nangyari dyan sa isang yan? Ba't di gumagalaw?" I was pertaining to Julio na talagang diretso lang nakaupo tahimik. Nakita kong nagkatingingan sina Miles at Nino. May ibig sabihin ang mga tingin ng dalawa!!

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon