Chapter-20

3.7K 86 30
                                    


Regrets . . 


**_**


" Klang, itaas mo ng konti ang mga kamay mo. .Good, ,ganda" ani ko sabay click lang ng click ng camera. First day namin at mayroon kaming 12 frames para tapusin ang shoot na to. Nagsimula kami ng alas otso ng umaga, at eksaktong alas 8, ready to shoot na kami. Kilala namin ang isa't isa, pareho kami ni Klang na punctual. Ayaw na ayaw naming nalalate.


Si Klang ang model ng mga apparels and bottoms ng GFC. Puro mga new items na lang ang kukunan namin, kaya dalawang araw lang ang shoots namin. Mabilis ang trabaho pag kaibigan mong matalik ang kasama mo.


" Besh. .maganda ba ako?" sigaw ni Klang na ikinatawa naming lahat sa silid.


" OO, pero mas maganda ako" ganting sigaw ko na mas ikinatawa ng lahat.


Puro kami chika at kanta,. Nalaman na din ng glam team nito na bestfriends kami. Ang ad agency na humahawak ng shoot na to, natutuwa din dahil mabilis ang mga kuha namin. Puro good take at tingin ko , mahihirapan ang Marketing Department ng GFC na pumili ng mga litrato.


" To your left some more" i directed her, sumunod na man ito at again, good take na naman.


" Beautiful! . ." sabi ko.


" i know. .mana sayo" sagot nito. Napapiling na lang ako. Kenkay tong si Klang. Ang lakas magpatawa. Kaya kahit halos pitong oras na kaming nagshu- shoot eh game na game pa din ito. Ang taas pa ng energy.


" Meryenda muna" dinig kong sabi ni Tita. Lumingon ako sa pinangalingan ng boses nito, at nang makita ako, ang lapad agad ng mga ngiti nito.


" Tita!!" sigaw ni klang. " Besh, meryenda na daw" diretsong naglakad si Klang patungo sa akin at hinila akong bigla. Nakasabit pa sa leeg ko ang camera, pero deadma lang ito at mabilis akong hinila patungo kina tita.


Nasa harapan na kami ng mesa ngayon kung san nagdala ng iba't ibang finger foods si Tita. Para sa lahat ang meryendang dala nito.


" My . ." bati ko dito sabay beso


" are you tired, baby?" tanong nito sabay haplos sa pisngi ko. " Kanina pa kayo nagtatrabaho. Pwede naman tapusin ang iba bukas, " puno ng pag alala na sabi nito.


" My . . sanay na po ako, tsaka mas magaan nga po ito kesa sa trabaho ko sa NGC . ."


" Tita. .ang galing po ni Sarah. Ang ganda ko po sa mga kuha nya" biglang pasok ni Klang.


" Maganda ka naman" ani ko


" Mas gumanda akong lalo. Alam na alam mo ang angulo ko eh." Sagot ni Klang


" eh kasi naman po, ikaw kaya ang pinagpratisan kong modelo nung nag pho-photography class pa tayo" sabi ko naman dito.


Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon