13 - Outburst . .
**_**
“ nakikinig ka ba sa amin Sarah?”
“ Ha?” nilingon ko sina Yuki at Klang na matamang nakatingin sa akin. Andito kami ngayon sa bahay nina Klang dahil plano naming tatlo ang pumasok sa summer photography class na offer nang bagong kabubukas na studio sa tapat lang ng High School namin.
“ hay naku, lumilipad na naman yang utak mo. “ irap ni Yuki
“ Ok ka lang ?” si Klang. Buti pa to si Klang concern, pero etong Yuki sarap tirisin ang bangs.
“ O-oo” pagsisinungaling ko
“ try harder” naguguluhan ako sa narinig mula kay Yuki , kaya kumunot noo ko dito. Kaya nagsalita itong muli .
“ Sabi ko try harder. Lie harder . Alam kong hindi ka Ok at nagsisinungaling ka sa amin. Ngayon, ano ang problema?’
nakapameywang na tanong ni YukiLumabi ako saka napatulumbaba. Wala akong kawala sa dalawang to. Kunsabagay, truest of all true friends ang dalawang to. Kaya ano pa bang itatatgo ko sa mga ito, kungdi wala!
“ hate ko na si Matteo”
“ What!!!” sabay na sigaw ng dalawa.
“ Sarah! Bakit?inaway ka? Anong ginawa sayo?” sunod sunod na tanong ni Klang.
“ Anong ginawa sayo! Pinapahirapan ka pa dun?? Wag kang magsisinungaling! “ si Yuki
“ hinalikan nya ko” halos bulong lang ang lumabas sa bibig ko.
Nakita ko ang pagka gulat sa mga mukha nito. Hindi ko na inantay pang magsalita ang mga ito, at ikinuwento ko ang nangyari sa amin.
Halos hindi magkandaugaga ang dalawa sa nalaman. Mas galit pa ata si Yuki at Klang kay Matteo kesa sa akin. Lalong lalo na dun sa sinabi nitong ‘ you don’t fit in my world’ . Parang bubuga ng apoy ang ilong ni Yuki.
“ Tingnan lang natin kung di nya kainin ang mga sinabi nya sayo!.. Arghhhh. Kainis sya!!” ani ni Yuki
“ hayaan mo na. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Ilusyunada ako eh. Ok lang yun, at least maaga pa lang, sinabi nya na kung san ang lugar ko” malungkot kong sabi
“ Dito ka na kaya tumira sa amin” si Klang. Ngumiti ako dito saka umiling.
“ Isang taon na lang, college na tayo. Diba share tayong tatlo sa condo. Na compute ko na ang panggastos ko araw araw at kasama na renta dun mula sa pension na natatangap ko buwan buwan mula kina mommy at daddy. Sobra pa nga kung susumahin. Tsaka, yung college plan ko, ok na ok na. After a year, aalis na ako sa kanila.”
“ so settled na tayo dun sa college. Si kuya na ang sasagot ng pangrenta ko, kaya payag sina mama at papa na mag condo din ako as long as kayong dalawa ang room mate ko” si Klang. Tumingin na kami kay Yuki,
Mukhang ito ang hindi pa sigurado sa plano namin.
“ Fine.. kakausapin ko ang tatay kong Leader ng Yakusa !! At kukumbinsihin syang dito na ko mag aaral ng college! At syempre, di ko kayo maiiwan nuh ! Mahal na mahal ko kayong dalawa ih!”
“ Beshies forever?”
“ Beshies Forever!!!” masayang sigaw naming tatlo.
After ng emote emote moments namin, back to chismisan na ulit kami. Sinabihan ako ng dalawa na iwasan na lang muna si Matt. Sabi ko naman sa kanila na may posibilidad na umalis ni Matt patungong amerika, dahil dun talaga nito balak mag patuloy ng college. Narinig ko kasi sina tita at tito minsan, habang nagkakape sila.
BINABASA MO ANG
Ako'y Para Lamang Sayo
FanfictionAshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.