Chapter 21

3.2K 84 66
                                    


Date ???


**_**


I woke up with a throbbing head. Di ko alam na nangalahati kong ininom ang alak. Parang binibiyak ang ulo ko!


" Damn , Hangover!" mura ko habang pababa ako. I need to have a banana shake. Cure ito sa hang over. Pero habang patungo ako sa kusina, dinig na dinig ko ang malutong na halakhak ni Sarah.


" yaya!! Kaya ko yan gawin!"


Akala ko sina yaya at sarah lang , pero nagulat din ako ng marinig ko ang boses nina mommy at daddy.


" Go baby, !! show yaya, that you can toss that egg!" ani ng boses ni mommy.


" bibigyan kitang bente pag nagawa mo , " at lahat sila tumawa dahil sa sabi ni dad.


I kinda feel out of placed. Ganito ang pakiramdam ko noon pag mas pinagtutuunan nila ng pansin si Sarah kesa sa akin. Pero walang dinulot na kabutihan ang pag iinarte ko nun. My dispossitions' happy now, and the three of us just want sarah to be happy. Her happiness is our main concern.


Sarah's my light. Nang makita ko itong hawak ang pan at sinusubukang i-toss ang egg, pati ako nangingiti. Concentrate na concentrate ito sa paggawa nun. Hinilig ko ang katawan ko sa sa pader na kung san kita ko ang bawat galaw nito.


Nawala na ang sakit ng ulo ko. Si Sarah lang pala ang gamot sa hang over ko.


" Matt . . " tawag ni mommy


" Ay bakulaw!!" gulat na sigaw ni Sarah. Kasabay ng sigaw nito ang paglipad sa ere ng itlog at diretsong landing sa sahig.


" wahahahahaha . . " di ko alam pero bumunghalit ako sa tawa. Ang kyut kasi ng reaction nito. Kung ako ay tawang tawa, kabaligtaran naman nina yaya, mommy at daddy kung san pigil na pigil ng mga ito ang tawa! And i wonder why??


" Hmmp!! Pangit!!" sigaw nito sa akin. At talagang matalim ang mga tingin na ibinigay nito sa akin. " Pangit ka talaga!! Kakainis ka! Ginulat mo ako, kaya ayan, nahulog ang itlog!! Iisssh!!" at nagpapadyak pa ito. Kaya mas lalo akong natawa!


" hahaha. . .hindi marunong! Hahahaha"


" Matteo!!" si mommy.


" bakit, ikaw marunong?" dare nito sa akin . i smirked ang walked towards her. Humalukipkip ito saka nagmartsang pagilid upang bigyan ako ng daan.


" Sige Matteo, show Sarah how you toss an egg" ani ni Dad.


" bente bente?" si mommy


Mahilig ang mga ito pagpustahan ako . Past time ata namin ang mag bente bente. Hehehe. Pag di perfect ang pag-tossed ko ng egg, panalo si Daddy. Pag naperfect ko naman, kay mommy mapupunta ang bente.

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon