•••INTRODUCTION•••

130K 5.2K 239
                                    

Marami ang nagbago sa paglipas ng 1 taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marami ang nagbago sa paglipas ng 1 taon...

Napakarami...

Gayon pa man, kailangang ipagpatuloy ang buhay at makisabay sa agos nito.

Kadikit ko na talaga ang PRIME sa buhay ko at alam kong kahit ano pa ang mangyari ay poprotektahan nila ako.

Akalain mo nga naman 'no? Dati rati halos isumpa ko na sila noong pumasok sila sa buhay ko pero heto ngayon, pakiramdam ko eh parte na ako ng grupo nila... nakahanap ako ng pangalawang pamilya.

Oo... ang PRIME na ang pangalawang pamilya ko.

Alam kong imposible pero nangyari na... college na ako ngayon at ang PRIME ang dahilan kung paano nangyari 'yon. Ngayon lang nila binali ang mahigpit na patakaran ng Prime University at iyon ay ginawa nila nang dahil lang sa akin. Iyon daw ang kagustuhan ni Bright nang minsan daw ay nasabi nito sa kanila.

Lokong Surot 'yon! Makita ko lang talaga siya ulit may unlimited sipa sa akin 'yon. Nakakainsulto, oo... dahil alam ko naman na bagsak talaga ako at ginamit lang nila ang kontrol nila sa school para isalba ako pero aangal pa ba ako? Ginawa lang nila ang gustong mangyari ni Bright para sa akin at ipinagpasalamat ko na lang iyon.

Sa wakas! Magagamit ko na rin nang madalas ang uniforms ko. Nagbago kasi ang ilang patakaran sa Prime University at isa na doon ang regular na pagsusuot ng uniform tuwing Lunes, Myerkules at Byernes. Oh bongga! Mabuti na 'yon kesa naman noon na halos wala na talagang nagsusuot ng uniform sa school.

Sa ngayon, maayos naman ang lahat.
Maayos nga ba?

Ang totoo, alam naman namin na may kulang... may parte sa buhay namin ang nabago dahil may kulang.

Tama, nagbago ang karamihan... pero ako?

Ako pa rin si Check na kilala n'yong payat pero lamon kung kumain.

Ako pa rin si Check na mahilig kumanta habang tumutugtog ng gitara.

Ako pa rin si Check na hindi marunong magbasa ng tahimik.

Ako pa rin si Check na mahilig mamasyal gamit ang isang bike.

Ako pa rin si Check na mahilig sa tulips.

Ako pa rin si Check na kayang magpatumba ng kahit na sino sa pamamagitan ng pamatay kong sipa.

Ako pa rin si Check na mahilig maligo sa ulan.

Ako pa rin si Check na baluktot kung mag-english.

Oo... ako pa rin si Check na mahina ang utak pero palaban.

Ako pa rin si Check na naninindigan at nakikipagtalo kapag alam kong ako ang tama.

Ako pa rin ito...

Mananatili akong si Check na umiibig sa tanging lalaking nagturo sa akin kung paano nga ba ang magmahal.

Magbago man ang lahat, mananatili akong nandito... umaasa at nag-iintay sa pagbabalik n'ya.

Alam kong makikita niya ang daan pabalik sa akin.

Dahil ako?

Ako ang kanyang Ms.Right.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon