CHAPTER: 16 (Holding On)

102K 4.3K 630
                                    

HINDI inaasahan ni Xyro na madadatnan niya agad na gising si Zierre pagbukas niya ng pintuan ng kwarto nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI inaasahan ni Xyro na madadatnan niya agad na gising si Zierre pagbukas niya ng pintuan ng kwarto nito. Nakaupo lang ito sa dulo ng kama, nakayuko habang magkasalikop ang mga daliri sa kamay.

"Good morning." nakangiting bati ni Xyro. Tuluyan niyang binuksan ang pintuan nang sa ganoon ay makapasok siyang mabuti gamit ang kanyang saklay. "Inihatid ako ni Jaxx, hindi na siya pumasok dito dahil may aasikasuhin siya sa P.U."

Tinignan lang ni Zierre si Xyro pagkatapos ay ibinaling ang ulo sa kaliwang direksyon. Lumapit si Xyro sa tapat ni Zierre, hahawakan nito sana ang balikat ni Zierre pero mabilis itong tumayo para umiwas.

"We're very sorry, hindi ka namin dapat ikinukulong dito pero kailangan lang talaga dahil sa kagustuhan mong umalis."

Tinignan ng matalim ni Zierre si Xyro. "I can escape now since binuksan mo na yung pinto. Sa lagay mong 'yan hindi na kita kailangang intindihin." aniya sabay tingin sa saklay ni Xyro.

Ngumiti si Xyro sabay linga sa nakabukas na pintuan. "You can't." muling inilipat ni Xyro ang tingin kay Zierre. "There's a passcode that you need to enter. There's no way out, hindi ka makakalabas sa lugar na 'to dahil iyon lang ang nag-iisang daan."

Nagsalubong ang mga kilay ni Zierre habang nakatingin sa kausap. Sumara din ang magkabila nitong kamao at napansin iyon ni Xyro.

"You own this place Bright. This is your second home."

Naglakad si Zierre. Tinungo niya ang pintuan para lumabas, hinayaan lang siya ni Xyro. Iginala ni Zierre ang kanyang mga mata sa paligid. Humanga siya sa laki ng PHQ. Dumiretso sila sa living room at doon na nanatili.

"I'll cook for you." ani Xyro, hindi nito inaalis ang ngiti sa labi. "Balikan ko muna yung mga dala ko sa kitchen para mailuto ko na. Feel free to explore the place-"

"Hindi ka ba natatakot na baka saktan kita?" tanong ni Zierre habang mataman na nakatingin kay Xyro.

"No." mabilis na sagot ni Xyro.

"Why? Do you think i can't-"

"Yes." mabilis ulit na sagot ni Xyro kahit hindi pa man nakakatapos sa pagsasalita si Zierre.

Nagtiim ang bagang ni Zierre. Hindi niya maintindihan ang sarili. Kanina pa niya gustong saktan si Xyro, takutin ito para pagbuksan siya sa sinasabi nitong passcode ng PHQ pero may kung anong pumipigil naman sa kanya para gawin iyon.

"We used to protect each other. You are our leader. Ikaw ang nagturo sa amin to watch each other's back. Never kong nakita na sinaktan mo ang kahit na sino sa amin-"

"Shut the f*ck up!" pag-awat ni Zierre sabay hawak sa likod ng kanyang ulo. "Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi mo."

Bahagyang yumuko si Xyro. "We will take care of you. Don't worry, soon makaka-alala ka rin."

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon