CHAPTER: 21 (Behind Her Smile)

107K 4K 1.1K
                                    

INABOT din ng mga dalawang oras ang kanilang naging byahe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INABOT din ng mga dalawang oras ang kanilang naging byahe. Ipinasuot nina Jaxx, Jam, Gavin at Bogz ang kani-kanilang mga dalang jacket sa kanilang mga sakay bilang proteksyon sa init ng araw. Narating na nila ang lugar kung saan sila magpi-picnic... ang Hacienda Villareal kung saan ipinanganak at nagka-isip ang leader ng PRIME na walang iba kundi si Bright.

(NP: Miss Right)

Manghang-mangha ang mga babae sa laki ng Hacienda. Ang totoo, hindi pa nalilibot ni Check ang buong Villareal Mansion pero sa tingin niya ay doble pa ang laki ng Hacienda Villareal sa nasabing Mansion.

Bago simulan ang picnic nila sa malawak na likuran ng Hacienda ay inilibot muna ng lalaking Punong Katiwala na si Tata Jose ang mga babae sa kabuuan ng Hacienda. Ang mga lalaki ay nagtulong-tulong sa pag-aayos ng mga tent, punong kahoy para sa bonfire na gagawin nila mamaya, malalaking blanket na pang sapin, mga pagkain at kung anu-ano pa na kanilang kailangan sa picnic.

Nasabik ang mga babae nang makakita sila ng mga kabayo. Tuwang-tuwa ang lahat lalung-lalo na si Check na gusto pang subukan na sumakay sa nakita niyang isang puting kabayo. Hindi lang siya hinayaan na makasakay ni Tata Jose dahil ang sabi nito ay masyado raw sensitibo yung puting kabayo lalo na't matanda na raw iyon.

Ang kabayong iyon raw ay nagngangalang Light at pag-aari iyon ni Gen.Thompson. Si Bright daw ang nagpangalan sa puting kabayo na iyon na idinikit nito sa sarili nitong pangalan.

Habang lumilibot sa Hacienda ay mas nagkakilala pa ang mga babae. Gandang-ganda si Check kayna Erin, Cheena, Reiko at ang nakilala na nila noon ni Jane na si Heaven. Sa mga babae lang inamin nina Erin at Cheena na hindi naman talaga sila dahil gusto lang nilang paniwalain sina Bogz at Gavin.

Para makasiguro na hindi makararating kay Brenda ang tungkol doon ay pinakiusapan ng PRIME ang mga katiwala ng Hacienda. Suportado naman ng mga ito ang nais mangyari ng PRIME kaya wala silang inaalalang magiging problema.

"Hay! Bakit ba kasi hinayaan pa natin na libutin nila 'tong Hacienda?" nanlalaki ang butas ng ilong ni Bogz. "Kakain ng oras bago makabalik ang mga 'yon, gutom na ako." humawak ito sa tyan.

"Pabalik na 'yon, may sasakyan naman silang dala kaya saglit lang 'yon." ani Jaxx na katulong ni Gavin sa pagbukas ng isang tent.

"Saglit? Nakatapos na tayo't lahat dito... wala pa rin yung mga chikababes." tumingin si Bogz sa suot na relo. "Gutom na talaga ako, ang tagal din ng binyahe natin 'no!"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon