CHAPTER: 24 (I Got You)

104K 4.2K 948
                                    

HALOS sunud-sunod lang ang naging paglabas ng magka-kasama sa loob ng tent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALOS sunud-sunod lang ang naging paglabas ng magka-kasama sa loob ng tent. Kanya-kanyang sulyapan ang iba sa mga kasama na parang nagpapakiramdaman.

"Woohoo! Good morning everyone!" masiglang bati ni Bogz, wagas ang ngiti sa labi nito.

Humiwalay muna ang mga babae sa lalaki. Nagkakayaan agad ang mga ito na magsipilyo nang sa ganoon ay makapagtimpla na rin sila agad ng kape para mainitan ang kanilang mga sikmura.

Nag-akbayan ang mga lalaki, halata sa mga mukha ng mga ito ang kakaibang saya lalong-lalo na si Bogz na parang kiti-kiti. Bale ngiti kasi ito at napapasayaw pa.

"Masaya tayo ah." pinagtatapik ni Xyro sa mga balikat ang mga kaibigan.

"Anong meron ha?" tanong ng lumapit na rin na si Yohan, may pasak na sipilyo ang bibig nito.

Parang batang nagpagulong-gulong si Bogz doon sa isang blanket. Maririnig din ang impit na boses nito na parang kinikilig. Sa inis nina Jaxx, Gavin at Jam ay pinagsisipa nila si Bogz. Imbes na magalit ay lalo pang nagpaikot-ikot ito sa blanket.

"K*ngina, anong nangyari sa kupal na 'yan?" ani Jaxx.

"Naka-score siguro kagabi." biglang sabi ng nakangising si Gavin.

Biglang naglabasan lalo ang mga ngiti sa labi ng PRIME dahil sa sinabi ni Gavin. Nagtinginan ang mga ito, tila may mga gustong sabihin pero nagkakahiyaan kung kaya't walang gustong umimik.

"Kame na ng Cutiepie ko! Woohoo! Panis kayo, weaklings! Hahaha!" biglang sigaw ni Bogz habang sumasayaw sa blanket.

Inakbayan ni Xyro si Bogz habang nakangiti. "Naks! Grats."

"K*ngina, ngayon ka lang ba nagka-girlfriend ha?" ani Jaxx kay Bogz. "Muntanga lang? Naging kayo lang, ganyan ka na."

Napatingin ang PRIME kay Jaxx nang bigla nalang din itong humiga doon sa blanket matapos itong magsalita, gaya ni Bogz ay nagpagulong-gulong din ito. Napakamot ng ulo ang magkakaibigan dahil sa inaasta ngayon ni Jaxx. Sa tuwa ni Bogz ay naki-gulo ulit ito sa pag-gulong doon sa blanket.

"Ang alam ko, ako lang ang maypagka-weirdo sa grupo natin." sambit ni Gavin.

"Stop looking at me like that." ani Jaxx habang nakikisaya kay Bogz. "Hindi maluwag ang turnilyo ko gaya nitong si Bogz, it's just that... i'm very happy. Haha!"

"Reason?" kunot-noong tanong ni Xyro habang hinahalo ang tasa ng kape na hawak nito.

"Kame na rin kasi ni Heaven... yahoo!"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon