CHAPTER: 49 (She Is Special)

115K 3.8K 1.3K
                                    

KINUSOT ni Check ang kanyang mga mata bago niya iyon idinilat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINUSOT ni Check ang kanyang mga mata bago niya iyon idinilat. Inulit niya ang pagkusot nang makita niya sa kanyang unan ang isang tulips. May maliit na card na nakatali doon. Nakatagilid niyang kinuha iyon pagkatapos ay saka niya sinuyod ng kanyang mga mata ang kanyang kwarto para hanapin si Bright.

Asan na 'yon?
Sumandal si Check sa headboard ng kama.

"Saan n'ya kinuha 'to?" ani Check habang nakatingin sa hawak niyang tulips.

Binuklat ni Check ang maliit na card at binasa ang nakasulat doon.

Good morning sick head girl. Get up now. See you at school. I love you! —Bright.

"Luh! Nagpunta na s'ya sa school? Ibig sabihin 'non... nagpakita na s'ya ulit sa mga estudyante." aniya habang nag-iinat.

Nakangiting umupod-upod si Check para bumaba ng kama habang nakatingin doon sa isang piraso ng tulips na kanyang hawak. Nang marating niya ang dulo ng kama ay napanganga siya ng malaki sa kanyang nakita. May mga nakakalat na tulips sa paligid ng kanyang kama.

Abot-tenga ang ngiti ni Check. Dumapa siya sa kama at umabot ng isang tulips na nasa lapag, nang hindi makuntento sa isa lang ay dumampot pa siya ng ilan pang piraso noon.

Parang batang humampas-hampas si Check habang nakadapa sa kanyang kama, hindi lang iyon... nagmistulan pa siyang lumalangoy habang iniimpit ang kanyang nararamdamang kilig.

Nang mapagtanto na kailangan na niyang kumilos para pumasok ay bumaba na si Check ng kama. Ingat na ingat pa siyang huwag maapakan ang mga tulips na nakapalibot sa kanyang kama.

Napatingin si Check sa isang maliit na notebook na nakalapag doon sa study table niya. Nilapitan niya iyon at may isinulat. Nang matapos sa kanyang isinulat ay ngumiti ng matamis si Check.

Dumiretso si Check sa banyo ng kanyang kwarto para magsipilyo. Agad rin siyang lumabas pagkatapos. Hindi na siya nagsuklay, basta na lang niya itinali ang kanyang buhok habang nakatingin doon sa mga tulips.

"Luh! Haha! Para akong si Litte Red Riding Hood na napapaligiran ng bulaklak yung higaan... ay mali, teka... si Cinderella ata 'yon?"

Napakamot ng ulo si Check habang iniisip kung tama ba ang kanyang sinabi. Nang mapagod sa kakaisip ay nagkibit balikat na lang siya at saka naglakad na papunta sa pintuan para lumabas.

Bago tuluyang lumabas ay sinulyapan pa niya yung kanyang kama na napapaligiran ng tulips. "Si Belle pala yata 'yon ng Beauty and the Beast." aniya bago isara ang pintuan.

Nang makababa ay dumiretso agad siya sa kusina para sa agahan. Nagtaka siya dahil hindi niya nadatnan doon ang Kuya niyang si Xyro pero nakahanda na doon sa mesa ang mga nakatakip na almusal.

"Ate Gina? Si Kuya?" tanong niya nang matanaw niya ang katulong na si Gina na nagpupunas ng mga displays.

"Umalis ang Kuya mo, hindi ko na naitanong kung saan ang punta. Nakita ko na lang na paalis na... dala yung asul na kotse." ang padating sa kusina na si Violy ang sumagot kay Check.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon