CHAPTER: 27 (His Name Is Bright)

107K 4.5K 1.3K
                                    

HUMIHIKAB na bumaba si Cheena sa scooter na ibinigay sa kanya ni Bogz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HUMIHIKAB na bumaba si Cheena sa scooter na ibinigay sa kanya ni Bogz. Ipinarada niya iyon sa tapat ng Sugar House Cafe na kanyang pinagtatrabahuhan. Ramdam niya ang antok dahil sa aga ng kanyang pag-gising kaninang umaga.

Nagtaka lang siya kaninang umaga dahil nasayang ang lakad niya. Ang sabi kasi ng mga dini-deliever-an niya ng mga dyaryo ay may nakuha na raw ang mga ito kung kaya't hindi na raw kukunin ng mga ito ang ibibigay niya.

Nalaglag ang susi ng front glass door ng cafe nang kunin iyon ni Cheena sa kanyang bulsa. Muli siyang humikab nang damputin niya iyon. Nauuna talaga siyang pumasok kaysa kay Irish kung kaya't siya talaga ang nagbubukas ng cafe.

Nagtaka si Cheena dahil hindi pa man niya napipihit ang susi ay tila bukas na yung pintuan. Napasilip tuloy siya sa loob pero nakita naman niya na nakapatay pa rin ang mga ilaw. Kabit-balikat na binuksan nalang niya ang glass door at pumasok na doon sa loob.

Nanlaki ang mga mata ni Cheena nang mapansin niya na may ilaw sa pantry. Napalunok siya sabay hakbang palapit doon. Mula sa kanyang bag ay dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang pepper spray.

"Hello, good morning!"

Tila lumundag palabas ang puso ni Cheena nang lumabas sa pantry ang isang babae. Pinindot nito ang switch ng ilaw para magliwanag na ng tuluyan ang cafe. Napatingin si Cheena sa pantry nang lumabas din doon si Irish.

"Hi Ma'am... good morning!" masiglang bati ni Irish, tinabihan nito yung babae na todo ang ngiti sa kanya. "Siya si Rose, bagong makakasama natin dito sa cafe."

Bagong makakasama? Asensado na si Madam Jackie ah, kumuha ng isa pang tao dito sa cafe. Buti nalang, kailangan kasi talaga namin ng katuwang ni Irish. Ang hirap kaya ng dalawa lang kame.
Nakangiting sabi ni Cheena sa kanyang isipan.

"Pambihira naman, akala ko pinasok na tayo dito." ani Cheena sabay balik ng pepper spray sa kanyang bag.

"HAHAHA!" sabay na tawa nina Irish at Rose.

"Ma'am, Rose po." ani Rose sabay lahad ng kamay kay Cheena.

"Hi Rose, i'm Cheena. Nice to meet you." pagkatapos abutin ang kamay ni Rose ay nag-beso pa si Cheena dito.

Ibinaba na agad ni Cheena ang kanyang bag sa kwarto na kalapit ng pantry. Pagbalik niya ay bitbit na agad niya ang isang notebook na nagsisilbing sarili niyang record list para sa inventory ng cakes at iba pang tinda sa cafe.

Nakita ni Cheena na inaalis ni Rose ang mga display na portraits sa dingding, inisip niya na lilinisin siguro ni Rose ang mga iyon. Dumiretso siya agad sa working area kung saan nila ginagawa ang mga cakes. Kabubukas palang ni Cheena ng kanyang notebook nang biglang agawin iyon ni Irish mula sa kanyang likuran.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon