CHAPTER: 51 (Let's Go PRIME)

103K 3.8K 1.1K
                                    

"PATAYIN n'yo na lang ako!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"PATAYIN n'yo na lang ako!"

Nagpumiglas si Check sa hawak sa kanya ni Ash. Halos kaladkarin siya nito papasok sa lugar kung saan una siyang dinala ng grupo ni Clinton.

Si Gervin ay inasikasong muli ni Zeth dahil sa tama ng baril nito sa balikat. Nagpakuha ito ng mga gamit sa mga kagrupo ni Clinton.

"T*ngina, ilang bala pa ba ang sasaluhin mo?"

"Buhay pa ako! Kahit ilang bala kaya ko pang saluhin!" yamot na tugon ni Gervin kay Zeth. "Gaganti ako, nakakadalawa na sa akin yung sabit ni Bright na 'yon!" anito na ang tinutukoy ay si Frank.

Patuloy sa pag-iingay si Check. Minumura na niya si Ash dahil sa kanyang galit. Umiiyak siya, oo... pero hindi pa rin naman matatabunan noon ang katapangan niya.

"Shut the f*ck up!"  patulak ang ginawang pagpapaupo ni Ash kay Check sa silya. "Masyado kang maingay!"

Tumayong bigla si Check. Sa nakita niyang distansya sa kanya ni Ash ay hindi na siya nagdalawang isip pa na gawin ang isang bagay... ang sipain ito sa ulo sa pamamagitan ng isang spinning hook kick.

Nagulat ang lahat ng naka-saksi sa nangyari. Hindi man napatumba ni Check si Ash pero nagawa naman niya itong mapa-atras sa lakas noon. Taas-noong tinignan ng masama ni Check si Ash.

Dumura ng dugo si Ash sabay linga kay Check. Galit na sinugod siya nito at saka siya sinampal ng malakas. Hindi pa nakuntento si Ash, agad nitong hinawakan ang kanyang leeg para siya ay sakalin.

"Gusto mo ba ha? Gusto mo bang patayin na kita ngayon din?!" nanlilisik ang mga mata ni Ash.

Namula na ang mukha ni Check dahil sa higpit ng sakal sa kanya ni Ash. Gumilid na sa mga mata niya ang kanyang luha at dumaloy iyon sa kanyang mga pisngi. Pakiramdam niya'y ilang saglit na lang ay tuluyan na siyang mawawalan ng hininga.

"Ash, tama na! Baka matuluyan mo na 'yan!" awat ni Zeth.

"Mawawalan 'yan ng pakinabang." segunda ni Gervin na bahagyang nakangiwi dahil sa tama nito.

Binitawan ni Ash ang leeg ni Check. Hinabol niya ang kanyang paghinga nang makakuha siya ng hangin. Ilang beses rin siyang naubo habang nakahawak sa kanyang leeg.

"Itali n'yo 'yan at bantayan n'yo!" utos ni Ash.

Nagtinginan sina Paul at ang isang lalaki na ang pangalan ay Jerry pagkatapos ay sabay na nilinga ng mga ito si Clinton. Tumango si Clinton at saka lang ginawa nung dalawa ang inuutos ni Ash.

"Kaya 'di ko makuhang mag-girlfriend eh... baka mapatay ko lang din." ani Ash, tinanggap nito ang inaabot na sigarilyo ni Clinton.

"Tanong lang, bakit ba kasi kinuha mo pa ulit 'yan? Okay na naman dahil naitakas na namin kayo." nagsindi rin si Clinton ng sarili nitong sigarilyo.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon