CHAPTER: 6 (Zierre Ferrer)

114K 4.3K 2.7K
                                    

NAKARATING na ng Pilipinas si Leonah at ang kanyang kasintahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKARATING na ng Pilipinas si Leonah at ang kanyang kasintahan. Nagpaalam lang siya saglit na pupunta ng restroom pero pagbalik niya ay hindi na niya makita ang kasama. Nakaramdam agad siya ng kaba kung kaya't agad niya itong tinawagan.

"Hon? Where are you? Bakit iniwan mo ako?" bungad ni Leonah nang sagutin ng kanyang boyfriend ang tawag.

"I got bored."

"Nice! What a good reason," inis niyang sabi.

"E sa nainip talaga ako, kaya lumabas na ako."

"But I told you to stay! Hindi ka pwedeng lumayo sa akin at basta na lang magpunta sa kung saan-saan. Hay! Magagalit si Kuya n'yan, eh!" aniya at padabog ng naglakad para tunguin ang labasan ng airport.

"I don't get you," malamig na sabi ng kausap sa kabilang linya.

"Pinag-usapan na natin 'yon, Hon. Sige na, nariyan na 'yong sundo natin, 'di ba? Please, get inside the car now!" Nagmadali na sa paglalakad si Leonah. "Lalabas na ako."

Ipinasok na niya ang cell phone sa dala niyang bag. Lumabas na siya ng departure area. Nagmadali siya lalo sa paglalakad nang matanaw niyang hindi na suot ng kanyang boyfriend ang shades na ipinasusuot niya rito.

'Oh my God! He's really not listening to me!' Mariing napapikit si Leonah.

"Kuya, hindi ka ba talaga makakasama?" tanong ni Leonah.

Humarap ang nakadungaw sa veranda na si Ash sabay hithit sa hawak nitong paubos ng sigarilyo. Magkasunod na bilog na usok ang ibinuga nito at pagkatapos ay muling humithit. Tinapon lang nito sa sahig ang hawak at inapakan iyon.

"Paulit-ulit na lang ba tayo, ha? Leonah?" magkasalubong ang kilay ni Ash. "I already made my decision. Susunod na lang ako sa inyo."

"Kuya, paano kung magkaproblema?" kabado niyang tanong.

"Ginusto mo 'yan, 'di ba? Then face the consequences!" inis na sagot nito sa kanya. Muli itong dumungaw at nagsindi ng sigarilyo. "Limitado lang ang connections ko. Talagang kailangan mong mag-ingat dahil hindi pipitsuging tao ang itinatago mo. Tahimik na ang buhay mo dito sa Paris naghahanap ka pa ng sakit ng ulo."

"Kuya, this is a big break for me. Hindi ko kayang basta na lang palagpasin 'to. Ayokong dumating 'yong araw na manghinayang ako. It's all about my career—"

Hindi naituloy ni Leonah ang kanyang nais sabihin nang biglang dumating ang kanyang boyfriend. Palapit ito sa direksyon nilang magkapatid. Nakita niya ang paglinga ni Ash sa parating. Umiling-iling ito at pagkatapos ay mataman na tumingin sa kanyang mga mata.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon