CHAPTER: 29 (Are They Hiding Something?)

103K 4K 635
                                    

NAPATINGIN si Bright sa kanyang kaliwang kamay nang mapansin niya na kusang gumagalaw-galaw ang daliri niya doon kahit na wala naman siyang kahit na anong hawak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPATINGIN si Bright sa kanyang kaliwang kamay nang mapansin niya na kusang gumagalaw-galaw ang daliri niya doon kahit na wala naman siyang kahit na anong hawak.

"Weird." sambit niya sabay tikom ng kanyang mga daliri.

Biglang sumagi sa isipan ni Bright ang laruang rubiks na ayon kay Xyro ay nanggaling pa sa kanyang ama at siyang isa sa kanyang mga libangan. Naalala niya nang minsan mabuo niya iyon ng walang kahirap-hirap at sinabi niya kay Xyro na pinag-aralan niya lamang iyong buuin.

Sinulyapan ni Bright ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang kama. Narinig niyang tumunog iyon may 10 minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa niya binabasa ang mensahe na kanyang natanggap. Kinuha na iyon ni Bright para basahin ang kanina pang pumasok na text.

*From: Leonah
Hon, panoorin mo ako sa Rising Star. That's live, mag-air na kame ngayon. Love you!*

Walang ganang inabot ni Bright ang remote na nasa side table pagkatapos ay ini-on ang tv. Inilipat niya iyon ng channel kung saan niya pwedeng mapanood ang show na sinasabi ni Leonah. Sakto dahil kasisimula palang ng programa. Makikitang may dalawa pang artistang babae na guest bukod kay Leonah.

"All of you look so amazing today." puri ng lalaking host.

"THANK YOU." tugon ni Leonah at ng dalawa pa nitong katabi.

Inisa-isang kausapin ng masinsinan nung host ang tatlong babaeng guest nito. Tinatamad mang manood ay inantay pa rin ni Bright ang parte kung saan si Leonah naman ang i-interview-hin nung host, nauna kasing kausapin nung host yung dalawa at si Leonah ang hinuli.

"So how is it to be Leonah Montecillo? Mabilis kang nakilala dahil according sa napakarami namin source ay bukod sa outstanding na acting skills mo ay talaga namang nakakabighani raw ang iyong ganda... which is absolutely true, right?" nilinga ng host ang mga nanonood sa set para hingan ng pag-sang-ayon ang mga ito. "I mean, look at her... well girls i'm not saying na hindi kayo maganda ha." dagdag nito sabay tawa.

Tumawa lang din yung dalawa pang artista at sumang-ayon naman ang mga ito sa sinabi ng lalaking host. Tinignang mabuti ni Bright ang reaksyon ni Leonah, nakita niya na talagang ikinatuwa nito ang papuri na natanggap nito mula sa host.

"Well, nothings change from me. I mean, bago ko pinasok ang showbiz sinabi ko na sa sarili ko na i have to keep my feet on the ground whatever happens. Kaya kung ano man po yung kasikatan na meron ako, ipinagpapasalamat ko po talaga iyon ng sobra-sobra kay God." pagsagot ni Leonah sa host, hindi nito inaalis ang ngiti sa labi. "And yung beauty na meron po ako? Namana lang po sa loving parents ko. So proud to have a beautiful Mom and a very handsome Dad." tumawa si Leonah ng nakatakip ang bibig.

Mula sa screen ng tv ay may ipinakita na larawan ng sinasabing magulang ni Leonah. Agad na napabangon si Bright sa kanyang kama nang makita iyon. Mabilis siyang umupo sa may dulo ng kama nang sa ganoon ay mas makita niya iyon ng malapitan.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon