NAGPA-ALAM si Jam sa mga kaibigan dahil kailangan niyang sunduin si Reiko. Inimbitahan niya kasi ito ngayong araw na magpuntang muli sa kanilang bahay sa pangalawang pagkakataon at pumayag naman ito. Nangako si Jam sa mga kaibigan na babalik sa PHQ dahil napagkasunduan nila na doon sila matutulog lahat mamayang gabi.
Sinundan ng tingin ng mga katulong sina Jam at Reiko sa bungad pa lamang ng main door. Taas noo lang si Reiko nang pumasok sila ni Jam, 'di nito inalintana ang mga mapanuring mata na nakasunod sa kanila.
"Are we going to your room again?" tanong ni Reiko habang ipinadudulas paakyat ang hintuturo sa handrail ng hagdan.
"Yeah." tugon ni Jam kasabay ng isang ngiti. "Ipapa-akyat ko nalang yung pagkain sa kwarto."
Tumango lang si Reiko. "Okay."
Nilinga ni Reiko si Jam nang maramdaman nito ang paghawak niya sa kamay nito. Ngumiti si Jam pero wala namang mapapansin na ekspresyon sa mukha ni Reiko.
Nang marating ang kanyang kwarto ay pinauna ni Jam na makapasok si Reiko. Agad niyang pinuntahan ang pintuan ng balcony ng kanyang kwarto at doon niya dinala si Reiko.
"Nice, ang ganda dito." puri ni Reiko habang nakadungaw sa ibaba. "Nung first time na dinala mo ako sa room mo hindi ko 'to napansin dahil nakaupo lang tayo sa bed magdamag." mapait na sabi ni Reiko.
"Ah, yeah!" napakamot ng ulo si Jam. "Sorry ha, alam ko naman na that time hindi talaga kita naasikaso ng maayos. I'm really—"
"It's okay." singit agad ni Reiko sabay hawi ng buhok. "Bawing-bawi ka naman ngayon eh." naupo ito sa bakal na upuan.
BINABASA MO ANG
MS.RIGHT 2
Teen FictionHighest Rank - #2 in Teen Fiction (12/31/2016) •Ms.Right (Book 2)• Life goes on... at ito ang kasunod na pahina ng buhay ni Check. (THIS IS UNEDITED)