CHAPTER: 39 (The Sweetest Night)

127K 5.1K 1.3K
                                    

KAPWA tahimik sina Check at Bright habang magkatabing naka-upo sa iisang kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAPWA tahimik sina Check at Bright habang magkatabing naka-upo sa iisang kama. Parehas silang nagkaka-ilangan dahil sa kanilang sitwasyon.

Wala silang suot na damit dahil kailangan nilang hubarin ang mga iyon matapos mabasa ng ulan. Parehas na makapal na robe ng tinuluyan nilang hotel ang kanilang mga suot.

Tumikhim si Bright. Napalunok si Check. Sabay nilang dahan-dahang tinignan ang isa't isa. Tila gustong matunaw ni Check sa kanyang kinauupuan nang igapang ni Bright ang kaliwa nitong kamay para ipatong sa kanyang kanang kamay.

"Um-Umayos ka, 17 pa lang ako."

Napangiti si Bright sa sinabi ni Check. Napakamot ito sa basa pa rin nitong ulo. Napanguso naman si Check dahil sa nakita niyang reaksyon ni Bright sa kanyang sinabi.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? S-Seryoso ako... 'wag kang gagawa ng 'di maganda. Si-Sisipain kita—"

Napasinghap si Check nang hapitin siyang bigla ni Bright para yakapin. Natigilan siya, wala siyang nagawa kundi ang yumakap pabalik kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata para damahin ang yakap na iyon.

"Ang payat mo pa rin... hindi ka talaga masarap yakapin."

Kinurot ni Check sa likod si Bright. "Sinungaling ka pa rin, dahil gusto mo namang nakayakap sa akin."

Hinigpitan ni Bright ang yakap nito kay Check. Nanatili lang silang magkayakap. Walang gustong umimik. Pakiramdam ni Check ay nabawi ng yakap na iyon ang pangungulila niya sa yakap ni Bright sa nagdaang taon.

"Pakrung."

Napasinghap muli si Check, ramdam niya kasi ang hininga ni Bright sa kanyang leeg nang magsalita ito. "Hmm?"

"T-Talaga bang... mahal mo na ako?" may hiya sa boses ni Bright.

Muling pumikit si Check. Napangiti siya dahil sa tanong na iyon ni Bright. "Noon pa... b-bago ka nawala." may nginig sa boses ni Check. "N-Nung araw na iyon... nakahanda na akong sabihin sa'yo... p-pero—"

"Patawarin mo ko, Pakrung." masuyong bulong ni Bright. "Patawad para sa mga panahong nasayang para sa ating dalawa."

Pagdilat ni Check ay pinangilidan agad siya ng luha sa kanyang mga mata. Napakasaya niya ngayong araw. Tila sa isang iglap ay naglaho agad ang naipong paghihirap ng loob ni Check. Nagkamali siya sa naisip niya kanina na masusugatan ang puso niya dahil kabaligtaran noon ang nangyari.

Kumalas si Check ng yakap para tignan si Bright. "A-Ako ang dapat humingi ng tawad. Kung 'di sa kapabayaan ko... hindi mangyayari sa atin 'yon. Ako ang nagpahamak—"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon