CHAPTER: 19 (Girls In Love)

107K 4.1K 1K
                                    

ARAW ng Linggo, nasa gym room ng PHQ ang lahat ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARAW ng Linggo, nasa gym room ng PHQ ang lahat ngayon. Tinuturuan nina Yohan at Xyro ang kani-kanilang mga girlfriend na sina Jane at Rue ng boxing. Samantala, dahil hindi malapitan ni Check si Zierre ay si Bogz nalang ang naisipan niyang gawing ka-sparring.

"Baby, are you okay?"

"H-Huh?"

Yumakap si Rue kay Xyro at saka kumurot sa pisngi nito. "Sabi ko game na eh, nakatulala ka pa."

Bahagyang ngumiti si Xyro. "Sorry Baby, may iniisip lang."

"Ano naman 'yon?" kunot-noong tanong ni Rue.

Itinaas ni Xyro ang dalawang kamay ni Rue na may gloves habang nakangiti. "Wala naman, iniisip ko lang kung gaano kalamya ang Baby ko kung sumuntok."

Hinampas ni Rue si Xyro sa braso. "Malamya pala ha? Tignan natin." itinaas nito ang isang kilay.

"Baby, i-todo mo ha? Huwag mong isipin kung masasaktan ako." seryosong sabi ni Xyro.

Lumabi si Rue. "Bakit naman? Baka mamaya matumba ka pa."

"Basta... just do it." ani Xyro sabay porma na ng kanyang kanang kamay para sumalag.

Because i deserve it.
Dugtong ni Xyro sa kanyang isipan.

Nagsimula ng sumuntok si Rue. Paminsan ay hinahayaan ni Xyro na ilayo ang kanyang kamay nang sa ganoon ay pumasok ang mga suntok ni Rue sa kanya. Tumitigil si Rue tuwing matatamaan niya si Xyro pero sinasabihan niya ito na ipagpatuloy iyon at huwag huminto.

I love you so much, Ruella Thea Alonzo.

Nahinto si Rue sa pagsuntok nang yakapin ito ni Xyro. Inangat ni Rue ang mukha niya at nakita niya ang seryosong mukha ng kanyang boyfriend. Ngumiti si Rue at hinalikan ang ilong ni Xyro.

"Tama na Baby, ayoko ng sumuntok." ani Rue habang inaalis ang suot na gloves. "Alam kong malakas ka pa rin kahit na nakasaklay ka pa." ngumiti si Rue.

Nang maalis ang suot na gloves ay isinunod naman ni Rue na alisin ang trainer's glove na suot ni Xyro sa kanang kamay nito. Matapos alisin iyon ay pinunasan ni Rue ang pawis sa noo ni Xyro gamit lang ang kanyang mga kamay.

"Tama ka Baby, malamya ako. Mahina akong sumuntok." lumaki ang ngiti sa labi ni Rue. "Pero malamang maging halimaw ako kapag nakita kong may nananakit sa Baby ko... makikipagbasagan talaga ako ng mukha."

"No, hindi pwede." ani Xyro kasabay ng pag-iling. "Masyadong maganda ang Baby ko para hayaan ko lang na masira ang mukha."

"Hoy! Kung tapos na kayo bumaba na kayo dyan. Walanjo! Nakakasira kayo ng diskarte! Kayo na sweet!" biglang sigaw ni Bogz na nasa katabing ring. "Kung pwede lang yakapin 'tong ka-sparring kong si Cutie—"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon