CHAPTER: 54 (Imperfectly Perfect)

114K 4.3K 1.1K
                                    

"NASAAN na ba yung mga gangster na 'yon? Luh! Kanina pa ako nagugutom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NASAAN na ba yung mga gangster na 'yon? Luh! Kanina pa ako nagugutom."

Tinignan ni Check ang oras sa kanyang cellphone. Hinawakan niya ang kanyang tiyan at saka hinimas iyon.

Nasa ospital sila ngayon. Ngayong araw na kasi aalisin ang benta sa mga mata ni Heaven. Sabik na silang malaman ang resulta ng operasyon na mismong ang doktor na ina ni Jaxx na si Julia ang nagsagawa.

 Sabik na silang malaman ang resulta ng operasyon na mismong ang doktor na ina ni Jaxx na si Julia ang nagsagawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa ngayon ay hindi pa sila pumapasok sa kwarto ni Heaven dahil wala pa ang PRIME. Mag-iisang oras na silang nag-aantay sa lobby ng hospital. Ang usapan kasi ay sabay-sabay dapat ang lahat.

"Baka naman lumakad na naman sila ng hindi natin alam." lumabi si Rue. "Lagot sa akin 'yang si Baby."

"Hmmm, naisip ko nga rin 'yon." ani Reiko. "Malaman ko lang talaga... ako mismo ang sisira sa mukha ng Jamson Martin na 'yan gamit mismo yung salamin n'ya."

"It's been a week pero hindi ko pa rin makalimutan." isinuntok ni Erin ang kanang kamao nito sa kaliwa nitong palad. "Kulang pa talaga yung nakita kong pasa sa mukha ni Koy eh. Dapat doon dagdagan pa eh. Is that okay with you girls? Sumusuot na pala sila sa malaking gulo nang wala tayong kaalam-alam."

"Hindi ko magawang magalit kay Cutiepie eh. Paano ba naman kasi... dinadaan n'ya sa tawa lahat." sabi ni Cheena.

"Just wanna know." namaywang si Jane. "Hindi n'yo rin ba sila ma-contact that day?" tanong ni Jane.

Sabay-sabay na tumingin ang lahat kay Jane. "YEAH."

"So... ugali na talaga nilang magpatay ng phone kapag napapalaban sila?" napahimas si Rue sa baba nito.

Nagtinginan silang lahat pagkatapos ay tila nagkaintindihan at sabay-sabay na naglabas ng kani-kanilang mga cellphone. Tinawagan nila ang kani-kanilang mga boyfriend. Tanging si Check lang ang hindi kumilos. Mas inintindi pa nito ang pagbabalat ng dala nitong chocolate bar pantawid gutom.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon