CHAPTER: 37 (Finding Himself)

110K 4.3K 991
                                    

"MAGDALA ka ng payong mamaya, nagdidilim na sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MAGDALA ka ng payong mamaya, nagdidilim na sa labas. Ang sabi sa balita maulan daw ngayon hanggang bukas."

Araw ng Lunes kung kaya't mas maaga ang pasok ni Check. May flag ceremony kasi kung kaya't kahit na tanghali pa talaga ang oras ng klase ng mga college students ay kailangan niyang makisabay sa maagang pagpasok para um-attend ng ceremony.

Nabitin ang paghikab ni Check, naitikom nito agad ang kanyang bibig. "Talaga? Uulan?"

"Yeah, kaya 'wag ka munang bumyahe ngayon. Ipapahatid na lang kita para hindi ka na mahirapan." ani Xyro habang hinahalo ang hot chocolate sa tasa nito.

"I'll do it... i'll drive for her."

Luminga si Check sa entrada ng kusina. Nagulat ito dahil hindi nito inaasahan na makikita nito si Bright. Nakapaligo na agad si Bright. May face towel siya sa ulo na ipinangtutuyo niya sa kanyang buhok.

"Dito s'ya natulog kagabi." ani Xyro sabay higop sa tasa. "Masyado daw malaki ang PHQ tapos maiiwan siyang mag-isa dahil may mga klase kayo kaya he ask me if he can stay here para maka-kwentuhan niya ako." paliwanag ni Xyro kay Check.

Nakaramdam ng tuwa si Check dahil sa narinig nito, lumabas agad ang matamis na ngiti sa labi nito habang nakatingin pa rin sa palapit na si Bright.

"Are you sure about that? Baka may makakita sa'yo sa school?" inihilig pakanan ni Xyro ang ulo nito para makita si Bright, nakaharang kasi si Check sa kanyang harapan.

"Yeah, i know i have to hide para hindi ako makilala ng iba. Babalik din naman ako agad. Gusto ko lang makita ulit ang Prime University." tugon ni Bright.

"Okay, as you wish." ngumiti si Xyro.

Tinignan ni Bright si Check. Itinaas niya ang dalawa niyang kilay sabay tanong kung bakit titig na titig pa rin ito sa kanya. Kagat labing umupo na si Check sa tapat ni Xyro at sinimulan ng kumuha ng almusal at ilagay sa plato nito.

Matapos makapaghanda para pumasok ay nagpaalam na si Check. Inaantay na ito ni Bright sa labas na kanina pa nakasakay sa kotse. Nang makita ni Bright si Check na lumabas ng pintuan ay biglang may sumingit sa kanyang isipan.

Nakita niya na may buhat buhat siyang babae na nakasampay sa kanyang balikat. Nagpupumiglas ito at nagsusubok na bumaba sa pamamagitan ng paghampas sa kanyang likuran.

Nagbalik lang sa wisyo si Bright nang katukin ni Check ang bintana ng kotse. Pinabubuksan na nito sa kanya ang pintuan ng kotse sa likuran. Nang mabuksan ang pintuan ng kotse ay masiglang sumakay si Check sa loob.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon