CHAPTER: 3 (For The Sake Of Love)

125K 5K 536
                                    

SAPU-SAPO ni Yohan ang kaliwang pisngi niyang inabot ng sampal ni Brenda pagkapasok pa lang niya sa malaking entrada ng Villareal Mansion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAPU-SAPO ni Yohan ang kaliwang pisngi niyang inabot ng sampal ni Brenda pagkapasok pa lang niya sa malaking entrada ng Villareal Mansion. Gulat ang mababakas sa mukha ng kasama niyang si Jane na napahigpit ang kapit sa kanyang braso.

Bakas sa mukha ni Brenda ang galit habang nakatitig sa may pasang mukha ni Yohan. Mapapansin din ang panginginig ng labi nito at ang madiing pagkuyom ng kanang kamay nitong ipinang sampal sa kanya.

"Ganiyan ka na lang ba madalas, ha? Uuwi ka sa mansion na basag ang mukha mo?!" Halos umalingaw-ngaw ang malakas na boses na iyon ni Brenda sa bukana ng mansion.

"I'm sorry, Auntie—"

"Sorry? Puro ka na lang sorry!" mabilis na putol ni Brenda sa kanya. "Yeah! Feel sorry, dahil may kasalanan ka na noon pang ipinanganak ka!"

Napatingin si Jane sa mukha ng boyfriend nitong si Yohan dahil sa sinabi na masakit na salita ni Brenda rito. Nasasaktan ito para sa nobyo. Ilang beses na rin nitong narinig na pagsalitaan ni Brenda ng masasakit na salita si Yohan. Gustuhin man ni Jane na makialam pero isinaalang-alang na lang nito ang paggalang dito.

"Auntie—"

"Ikaw na lang sana ang nawala at hindi ang anak ko!" malakas na sambit ni Brenda.

Tumalikod na si Brenda at mabilis na pumasok sa loob. Napansin ni Yohan ang pag-angat ng kamay nito kahit na ito ay nakatalikod para pahirin ang luhang bigla na lang umagos sa pisngi nito.

"B-Babe," mahinang tawag ni Jane.

"Let's get inside," malamig niyang wika.

Dumiretso ang dalawa sa kwarto ni Yohan. Agad na pinuntahan ni Jane ang isang cabinet kung saan nakalagay ang first aid box na minsan na nitong ginamit noong mapaaway siya.

Umupo si Jane sa gilid ng kama para tabihan si Yohan. Ibinaba nito roon ang box at agad na binuksan iyon. Mabilis na kinuha nito ang bulak at ang gamot pero agad rin nitong binitawan iyon.

Tumayo si Jane. "Water. I need warm water."

Aalis sana si Jane pero mabilis na hinawakan ni Yohan ang kamay nito dahilan para mapaupo itong muli. Nagtatakang tiningnan siya nito.

"Don't go," ani Yohan sabay dampot ng alcohol. "Just use this."

Tiningnan ni Jane ang alcohol na kanyang hawak. "No. Mahapdi 'yan."

Inilagay ni Yohan ang alcohol sa kamay nito. "It's okay. Just do it now, Babe."

Binuksan ni Jane ang takip ng alcohol at kumuha ito ng cotton balls. Nilagyan nito ng alcohol ang cotton balls habang sinusuri ang gilid ng labi at pisngi niyang dumudugo.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon