CHAPTER: 1 (Life Goes On)

174K 5.5K 895
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MISS CHECK Libramonte!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MISS CHECK Libramonte!"

Agad na inangat ni Check ang kanyang ulo mula sa pagkakahiga sa kanyang table nang marinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng kanilang professor.

Mula sa pagkakatulog ay tila naalog ang kanyang utak. Hindi kasi inaasahang tumama ang tuktok ng kanyang ulo sa nakadunghad na baba ng professor. Napahawak siya sa kanyang bunbunan samantalang nakangiwi naman ang kanyang tinamaan.

"Sorry po, Sir!" Itinuloy na ni Check sa pagkamot ng kanyang ulo ang nakasapo niyang kamay doon.

Tila umuusok ang malaking butas ng ilong ng professor habang nakatingin sa kanya ng masama. "You're sleeping again! God! Ms. Libramonte, we're in the middle of our class! I am discussing in front, all of them are listening and here you are—" Napapikit ito ng madiin dahil sa pagkainis. "Aba! E mas malakas pa ang hilik mo sa boses ko roon sa harapan!"

Nagtawanan ang buong klase. Tiningnan ni Check ang mga ito at nakita niyang nakalinga ang lahat sa kanya. Napansin niya na pati ang nasa unahang si Rue ay nakatingin sa kanya, napapailing ito habang sumesenyas.

Gaya ng dati ay sa likod siya nakaupo. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya katabi si Hendrix dahil hindi na niya ito kaklase. Magkaibang kurso rin kasi ang kinuha nila. K16 ang section nina Check at Rue na ang kursong pinili ay Business Administration samantalang E5 naman ang kay Hendrix sa kursong Engineering.

"Sir, you talk tagalog," puna ni Check sa professor sabay pahaba ng kanyang nguso.

Nagsalubong ang mga kilay ng professor. "If I'll talk to you in English, would you understand?"

Lalong nagkanda-haba ang kanyang nguso. "Yes, Sir. I can... Sureness," aniya kasabay ng pagtango. "I trying a little." Ngumisi siya.

Napahawak sa noo ang professor. "My God! Mag-iisang buwan na tayong nagkaklase Miss Libramonte pero ni minsan hindi tumuwid 'yang English mo!" Hinimas-himas nito ang sintido.

"Sorry Sir, my English... under maintenance."

Lumakas lalo ang tawanan sa klase. Nilinga at tiningnan ng masama ni Professor Dizon ang mga estudyante kung kaya't tumahimik ang mga ito.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon