CHAPTER: 41 (Avoidance)

118K 4.4K 812
                                    

"BABE, please

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BABE, please... talk to me."

Ibinaling ni Jane ang ulo nito pakanan para iwasan ang katabi sa upuan na si Yohan. Binuksan nito ang isang libro na kalalabas lang nito sa bag nito pagkatapos ay umastang binabasa iyon.

Kapwa maagang pumasok ang dalawa gaya ng nakagawian. Maaga sila ng 30 minuto sa oras ng klase kung kaya't silang dalawa pa lang ang nasa classroom ngayon.

"Babe, you have to listen to me." mahinang sabi ni Yohan, ibinaling na niya ng tuluyan ang kanyang katawan paharap kay Jane. "Mali yung iniisip mo sa nangyari. Dinaya ka lang ng mga mata mo."

Parang walang narinig si Jane. Nag-cross leg ito at ipinagpatuloy ang pagbabasa doon sa libro. Hindi na nakatiis pa si Yohan, tumayo na siya at nagpunta sa harapan ng table ni Jane.

"How can we fix this kung ayaw mo akong kausapin?" ani Yohan.

Inangat ni Jane ang tingin nito kay Yohan. Saglit lang na nagtitigan sila pero agad rin iyong pinutol ni Jane at ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.

"Who is the father of electricity?"

Napakunot ang noo ni Jane at saka muling tinignan si Yohan. Itinaas ni Yohan ang dalawa niyang kilay habang inaantay ang isasagot ni Jane.

"Michale Faraday." walang ganang sagot ni Jane sabay yuko ulit sa libro.

Nagulat si Jane nang bigla na lang isinara ni Yohan yung libro. Bubuksan sana ulit iyon ni Jane pero itiniin ni Yohan ang kanyang kanang kamay doon.

"William Gilbert." mariing sambit ni Yohan para itama ang sagot, hindi niya inaalis ang tingin niya kay Jane. "You're not reading the book. Eyes on me... let's talk."

Hindi inaasahan ni Jane na mahahalata siya ni Yohan ng ganoon kadali. Naisip nito na sadyang hindi talaga maiisahan si Yohan dahil alerto ito lagi kung mag-isip. Nakaramdam tuloy ng labis na hiya si Jane.

"Edi ikaw na ang magaling." naka-irap na sambit ni Jane.

"Hindi pa oras ng klase." ani Yohan, inilapit nito ang mukha kay Jane. "Ang point ko dito, hindi mo naman talaga binabasa yung libro. Naghahanap ka lang ng idadahilan to avoid me."

"I don't want to talk to you." malamig na sabi ni Jane.

"Gan'yan ka ba? Iiwas na lang kapag may problema?" mariing tanong ni Yohan.

Hindi nagustuhan ni Jane ang naging tono ng boses ni Yohan kaya sumama ang tingin nito. "Huwag kang gumawa ng dahilan para lumaki ang galit ko sa'yo. I said i don't want to talk to you... 'wag mo akong pilitin."

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon