"WHAT?"
Tila nabingi si Check, hindi niya narinig ang tanong ni Zierre, abala pa rin siya sa pagtitig sa mukha nito nang lumuluha. Naningkit naman ang mga mata ni Zierre habang nakatingin sa kanya na tila winawari kung bakit ganoon na lang siya kung makatitig sa mukha nito.
Napatingala si Zierre nang biglang lumakas pa ang buhos ng ulan. Bumitaw ito sa kanya para damputin ang payong na binitawan nito kanina para iligtas siya. Nang makuha ang payong ay humarap ulit ito sa kanya habang siya ay nanginginig at umiiyak. Hindi niya talaga inaalis ang tingin dito, ni punasan ang kanyang luha ay hindi niya rin magawa.
Itinapat ni Zierre ang payong kay Check. "Here's your umbrella. Sorry, I didn't mean to—" Napakunot ang noo nito nang bigla niya itong niyakap pagkatapat nito ng payong sa kanya. Lalo itong nagtaka nang magsimula siyang humagulgol ng iyak habang mahigpit na nakayakap.
Saglit na nanatili sila sa ganoong posisyon. May kung ano namang naramdaman si Zierre para hayaan si Check na yakapin ito kahit na napakalaki ng pagtataka nito kung bakit ganoon na lang ang kanyang reaksyon.
"Hey, nothing happens. You're fine," ani Zierre.
"Fine mo mukha mo!"
Napataas ang dalawang kilay ni Zierre sa itinugon ni Check. Unti-unti nitong nakita ang pag-angat ng kanyang mukha. Noon lang ulit ito nakakita ng mga matang ibang klase kung mangusap. Tila nakaramdam ito ng sakit habang nakatingin sa kanyang mukha.
"M-Mukha ba akong okay, ha?!" nanginginig ang labing sabi ni Check sabay hampas sa dibdib ni Zierre. "Paano mo nasasabi 'yan kung araw-araw akong umiiyak nang dahil sa'yo?!" aniya kasabay ng isa pang hampas.
'397 na araw akong naghintay sa'yo!'
Humigpit ang hawak ni Zierre sa payong habang nakatingin kay Check. Parang bata namang sunod-sunod na pinaghahampas niya ito sa dibdib habang patuloy na umiiyak. Ilang saglit pa ay dahan-dahan siyang huminto at muling yumakap dito.
"Ano? B-Bakit ayaw mong magsalita? Magsalita ka dahil... dahil marami kang dapat ipaliwanag," humihikbing wika ni Check.
Nakiramdam si Check, inantay niya ang pagsasalita ng yakap-yakap niyang si Zierre. Nagtataka siya dahil nakatayo lang ito at pinapayungan ang kanilang mga sarili sa ulan.
"Who... Who are you?"
(NP: Beside Me)
Sa narinig ay lumuwag ang yakap ni Check kay Zierre hanggang sa unti-unti siyang bumitaw. Inangat niya ang kanyang mukha para tingnan ito. Pakiramdam niya ay literal na nasaksak ang kanyang puso dahil sa sakit noon.
BINABASA MO ANG
MS.RIGHT 2
Teen FictionHighest Rank - #2 in Teen Fiction (12/31/2016) •Ms.Right (Book 2)• Life goes on... at ito ang kasunod na pahina ng buhay ni Check. (THIS IS UNEDITED)