CHAPTER: 32 (To Where He Belongs)

97.6K 4K 1.2K
                                    

*PLEASE, just go! Inaantay ka ng kapatid ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*PLEASE, just go! Inaantay ka ng kapatid ko.*

Dahan-dahang idinilat ni Bright ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo dahil sa hang over pero naaalala pa niya ng malinaw ang salitang narinig niya sa kanyang panaginip bago siya nagising. Pakiramdam niya ay nakikilala niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

It's from him... it's his voice.
Ani Bright sa kanyang isipan habang sinasariwa ang boses sa kanyang panaginip.

Pakiramdam ni Bright ay tila siya hingal na hingal at napakasakit ng kanyang buong katawan. May takot rin siyang nararamdaman kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso ngunit hindi niya maintindihan kung para saan at kung bakit.

Sinalat ni Bright ang kanyang kaliwang mata. Napapikit siya ng mariin nang malaman niyang nabasa ng luha ang dalawang daliri na ipinanghawak niya doon.

I cried?

Napatingin si Bright sa kamay na nakadantay sa hubad niyang katawan. Paglinga niya sa kanyang likuran ay nakita niya ang natutulog pang si Leonah. Tinabihan pala siya nito sa pagtulog kagabi.

Dahan-dahang inalis ni Bright ang nakadantay na kamay ni Leonah sa kanya. Pinilit din niyang huwag pagalawin ang malambot niyang kama sa kanyang pagbaba.

Agad na dumiretso si Bright sa banyo. Binuksan niya ang tubig sa lababo at agad na sumahod ng tubig doon para ihilamos sa kanyang mukha.

Pinakatitigan niya ang basa niyang mukha sa salamin. Habang nakatitig sa sarili ay bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na pagsabog sa kanyang isipan dahilan para mapakapit siya sa gilid ng lababo.

D*mn it!

Dahil sa nararamdamang sakit ng ulo ay napasuntok siya sa may gilid ng salamin ng dalawang beses. Ramdam niya ang idinulot na sakit noon sa kanyang kamao.

Nangangatal ang mga labi na tinignang muli ni Bright ang kanyang sarili sa salamin. Unti-unting dumulas pababa ang kamao niyang dumugo dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa de-tiles na pader. Isinahod niya iyon sa nakabukas pa ring gripo.

Give it back to me, please.
Ang basa sa mukha ni Bright ay nahaluhan ng dumaloy na luha sa kanyang mga pisngi.

Makalipas ang mahigit 40 minuto ay naalimpungatan si Leonah. Ang pagkapa agad sa katabing si Bright ang ginawa nito. Nang malaman nito na wala si Bright sa kanyang tabi ay nabigla ang pagdilat ni Leonah. Kinusot-kusot nito ang mga mata pagkatapos ay iginala agad ang paningin sa buong kwarto.

"Hon?"

Sumandal si Leonah sa headboard ng kama pagkatapos ay inalis ang makapal na comforter na nakapatong sa katawan nito. Kunot-noong tuluyan ng bumaba si Leonah ng kama.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon