CHAPTER: 43 (Missing Her)

114K 4.2K 1K
                                    

"GOOD morning, Hon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GOOD morning, Hon."

Bumalikwas ng higa si Bright nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Leonah sa kanyang likuran nang sumampa ito ng kama. Naramdaman naman niya ang pagpasok nito kahit pa ingat na ingat ito sa pagbukas ng pintuan, hindi lang niya inaasahan na sasampa pala ito ng kama para gisingin siya at parang tuko na yayakapin siyang bigla.

"I locked the door." hindi naitago ni Bright ang inis sa kanyang boses.

"I have a key." ngumiti si Leonah sabay yakap ulit kay Bright.

Naiilang si Bright kay Leonah. Magkaternong pantulog pa rin kasi ang suot nito. Nararamdaman niya ang manipis na satin na suot nito na halatang sinasadya nitong padulasin sa kanyang balat. Sa iksi ng pambaba noon ay halos makita na rin niya ang buong hita nito.

"Hon, don't you miss me? Bakit biglang ang cold mo na naman sa akin?" may tampo sa boses ni Leonah.

"I'm just tired." sabi ni Bright. Muli siyang nahiga at tinalikuran niya si Leonah.

"Aww, kawawa naman ang Hon ko." ani Leonah sa maarteng boses. "I-massage na lang kita, Hon."

Naramdaman ni Bright na humawak na si Leonah sa kanyang likod at sinimulan ng masahihin iyon kahit na nakatagilid siya.

"Hon? Uyy, Hon... dapa ka na lang para mas madali." anito na nakakapit sa may siko ni Bright. "Hon, dali na."

Hindi pinapansin ni Bright si Leonah. Sinusubukan niyang magtimpi habang nakapikit pero masyado talaga itong makulit. Pinipigilan niya lang ang kanyang sarili na manatiling kalmado at hangga't maari ay huwag niya itong mapagsalitaan ng hindi maganda.

"Ayaw mo akong pansinin ah!"

Parang batang tumawa si Leonah at biglang sinakyan si Bright kahit na nakatagilid siya. Bigla siya nitong itinihaya, mabilis na inihiga ang sarili nito sa kanya at saka siya niyakap.

Nang tangkang hahalikan siya ni Leonah ay alerto niyang inalis ito sa pagkakadagan sa kanya dahil si Check agad ang kanyang naalala. Gulat tuloy na tinignan siya ni Leonah.

"I want to go back to sleep, sorry to say this... kaya lang, istorbo ka eh." magkasalubong ang mga kilay ni Bright.

Inaantok pa kasi talaga si Bright. Ilang oras pa lang ang naitutulog niya dahil sa nangyari kagabi. Hindi siya pinatulog ng kanyang mga nalaman tungkol sa BLADE.

"Ang sungit naman ng Hon ko." lumabi si Leonah.

Nanlaki ang mga mata ni Leonah nang mapansin nito ang singsing na suot ni Bright sa hinliliit niya. Agad na inangat ni Leonah ang kanyang kamay para makita iyon ng mas malapitan.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon