CHAPTER: 40 (PRIME Is Back)

124K 4.8K 1.2K
                                    

INILIPAT-LIPAT ni Xyro ang tingin nito kayna Bright at Check matapos nitong pagbuksan yung dalawa ng pintuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INILIPAT-LIPAT ni Xyro ang tingin nito kayna Bright at Check matapos nitong pagbuksan yung dalawa ng pintuan. Lumabi si Check at nagpa-una ng pumasok sa loob. Tahimik lang naman na sumunod si Bright na walang makikitang anumang ekspresyon sa mukha.

Sinundan ng tingin ni Xyro ang dalawa na dumiretso agad sa kusina. Nang makita nito ang ginagawa ni Check na paghahalungkat ng makakain ay napakagat-labi si Xyro kasabay ng pagtaas ng kilay nito. May kung anong 'di kanais-nais kasi na pumasok sa isipan nito.

Tahimik lang na naupo si Bright habang nakatingin kay Check na nagsasalin ngayon ng chocolate cereal sa dalawang bowl. Sa pagmamadali ni Check na matapos ang ginagawa nito ay halos magkanda-tapon na yung gatas na isinasalin nito.

Tinabihan ni Check si Bright pagkatapos ay sabay na kumain ang dalawa. Mabagal na umikot si Xyro sa tapat nina Check at Bright para mas makita ng maayos ang mga ito.

Tumikhim si Xyro. "Gutom na gutom yata kayong dalawa?"

Inangat ni Check ang mukha nito. Inubos muna ang laman ng namumuwalan nitong bibig. "Eh kasi naman Kuya, itong si Surot wala naman palang kapera-pera kahapon. Naubos tuloy yung perang dala ko dahil pinambayad namain doon sa hot-"

Biglang umubo si Bright kung kaya't 'di na itinuloy ni Check ang dapat sana'y sasabihin nito. Lalo tuloy napataas ang kilay ni Xyro.

Tumingin si Bright kay Xyro, napaiwas naman ng mata si Xyro. Napailing si Bright sabay subo ng kutsara nitong isinandok doon sa chocolate cereal.

"Wala akong ginawa sa kapatid mo kagabi." ani Bright.

"Wala naman akong sinasabi." mabilis na sambit ni Xyro.

"Yung mga tingin mo kasi parang may sinasabi." tugon ni Bright habang ngumunguya.

Inilabas na ni Xyro ang pinipigil nitong pagngiti. "You know what, it does'nt matter to me. I mean... it's okay, there's no problem if you sleep together last night."

"Natulog lang kami, walang ibang nangyari." mabilis na sabi ni Bright. "Tigilan mo ko Xyro Cross, pakakasalan ko muna ang kapatid mo."

Luh! Kasal?
Napainom ng tubig si Check.

Hindi inaasahan ni Xyro ang sinabi ni Bright. Lalo itong nagtaka nang makita na hinawakan ni Bright ang nakalapag na kaliwang kamay ni Check sa mesa. Nahinto sa mabilis na pagsubo si Check at tumingin ito sa kamay ni Bright.

 Nahinto sa mabilis na pagsubo si Check at tumingin ito sa kamay ni Bright

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon