CHAPTER: 33 (Set Up)

94.6K 3.7K 564
                                    

*From: BabyloveBaby sorry hindi kita mapupuntahan dyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*From: Babylove
Baby sorry hindi kita mapupuntahan dyan. Pwede bang ikaw na lang ang magpunta dito? Jaxx called and he said dito daw nila tayo susunduin sa bahay. Hope it's okay with you Baby. I love you.*

Isinukbit na ni Rue ang kanyang bag sa kanyang kanang balikat habang nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto. Nagtitipa siya ng ire-reply sa natanggap niyang text habang siya ay nakangiti.

"Manong, bilisan n'yo ha baka mainip ang Baby ko." ani Rue pagkasakay niya ng kotse.

"Bibilisan ko talaga?" nakangiting tanong ng driver habang nakasilip sa salamin.

"Yup! Pero syempre kailangan maingat." masiglang paalala ni Rue.

Napakamot ng ulo ang may edad ng family driver. "Mabilis pero maingat." nakangiting sambit nito sabay iling.

Habang nasa byahe ay ka-text ni Rue si Jane. Nagtatanungan kasi silang dalawa kung matutulog rin sila sa PHQ.

"Inabot pa tayo ng traffic." napabuntong hininga si Rue habang nakatingin sa dikit-dikit na mga kalapit na sasakyan.

"May banggaan yatang nangyari." anang driver.

Dahil sa pag-aalala na baka mainip ang kanyang boyfriend ay tinawagan na ni Rue si Xyro. Nagtaka siyang bigla dahil hindi nito sinasagot ang kanyang tawag samantalang kalimitan ay dalawa hanggang tatlong ring palang ay inaangat na nito lagi ang kanyang tawag.

Sinubukan ulit ni Rue na tawagan si Xyro. "What happend Baby, bakit ayaw mong sagutin?" bulong ni Rue habang nakatingin sa bintana ng kotse.

Nagpapa-gwapo pa siguro ang Baby ko.
Napangiti si Rue dahil sa naisip niyang dahilan ng hindi nito pagsagot sa kanyang tawag.

Nang marating ang bahay nina Xyro ay nagpasalamat si Rue sa kanilang driver. Pinabalik na niya ito at saka agad na pinuntahan ang pintuan ng bahay nina Xyro para mag-doorbell. Ang katulong na si Gina ang nagbukas ng pintuan para sa kanya.

"Hello po Ate Gina." masiglang bati ni Rue sa katulong.

"Naku eh pagkanda ni mo talaga Ma'am Ro." anito sa bisayang punto.

"Rue po Ate, ikaw talaga!" nakangiting sabi ni Rue sabay pasok na sa loob.

"Haha! Sore naman, bisaya man day." natatawang sabi ni Gina. "Nasa etaas si Ser." agad na sabi nito dahil alam naman nito agad ang kanyang sadya.

"Okay, thanks Ate." kumindat si Rue.

Agad na umakyat si Rue ng hagdan. Bumati agad sa kanya ang dalawa pang katulong nang makita siya ng mga ito habang siya ay umaakyat.

Nang marating ang dulo ng hagdan ay huminto muna si Rue. Binasa muna niya ang katatanggap lang na text galing kay Jane. Nalaman niyang paalis na daw ito ngayon at may magandang balita raw na sasabihin ang boyfriend nitong si Yohan sa kanila.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon