CHAPTER: 12 (His Name)

103K 4.4K 793
                                    

KAHIT medyo masama ang pakiramdam ay pumasok pa rin si Check sa Prime University

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAHIT medyo masama ang pakiramdam ay pumasok pa rin si Check sa Prime University. Bakas ang pagkabalisa sa kanya at hindi niya rin makuhang ngumiti. Ngunit sa kabila ng bigat na nararamdaman ay nagawa naman niya ng maayos ang report niya kanina sa harapan.

Matapos ang report niya ay tila lumipad na ang isipan ni Check at hindi na niya nagawa pang pakinggan ang itinuturo ni Professor Dizon sa harapan. Binalik-balikan niya kasi ang nangyari kagabi, bawat detalye noon ay napakalinaw para sa kanya.

Sa kabilang banda na masakit na pangyayari ay may saya pa rin naman sa puso ni Check dahil sa nalamang buhay talaga si Bright at hindi totoong nasawi ito sa pagsabog.

Papunta ngayon si Check sa classroom nina Yohan at Jane. Tumawag kasi si Yohan sa kanya para sabihin na huwag siyang mag-alala dahil inutusan nito ang grupo nina Frank para hagilapin si Bright gayong nalaman nila na buhay talaga ito.

Habang binabagtas ang pasilyo papunta sa classroom nina Jane at Yohan ay namataan niya si Hendrix na kaa-akyat lang ng hagdan. Agad niyang ini-iwas ang kanyang paningin at mas binilisan ang kanyang paglalakad.

"Wait."

Naramdaman ni Check ang pagsunod ni Hendrix sa kanyang likuran matapos siya nitong tawagin. Nang susubukan na niyang tumakbo para makaiwas ay nahawakan na nito ang kanyang siko.

"Check, I'm sorry," ani Hendrix sa seryosong boses.

"Bitawan mo ko, Drix. Inaantay ako ni Pakner at ni Yohan.," mariin niyang sabi at ayaw pa rin niyang tingnan si Hendrix.

"Hawag mo naman akong iwasan."

Ikinawag ni Check ang kanyang siko para pabitawin ang nakakapit na kamay ni Hendrix sa kanya. Hinarap niya ito at diretsong tinignan sa mga mata.

"Kaibigan kita, Drix. Magkaibigan tayo—"

"You don't need to say that. Alam ko, Check," mabilis na singit ni Hendrix.

"Akala ko, higit sa iba, isa ka sa mga mas nakakaunawa sa akin," mahina niyang sabi. "Hindi pala," may diin na dagdag niya.

"No, that's not true. Naiintindihan kita—"

"Kung ganoon, bakit mo sinabi 'yon?!" si Check naman ang agad na sumingit.

"Ayoko lang na nakikita kang umaasa sa taong wala na."

"Nagbalik na siya!" pasigaw na sabi ni Check.

Naningkit agad ang mga mata ni Hendrix sa narinig. "A-Ano?"

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon