CHAPTER: 26 (Blade)

98.5K 4K 2.2K
                                    

"ZIERRE!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ZIERRE!"

Nabitawan ni Leonah ang hawak nitong suklay nang makita nito sa repleksyon ng kanyang vanity mirror si Zierre. Hindi ito nagdaan sa pintuan ng kwarto ni Leonah, ang bintana ang ginawa nitong daanan.

"Walang kwenta talaga ang mga bantay ng Haciendang 'to, nakabalik ako nang wala manlang nakakita sa akin ni isa man sa kanila."

Tumayo si Leonah at agad na niyakap si Zierre. Dahan-dahang inangat ni Zierre ang kanyang mga kamay para yakapin pabalik si Leonah. Habang nakayakap ay tinitignan ni Zierre ang kanyang itsura sa malaking salamin.

"Where have you been?! How could you! I'm so worried about you. Alam mo bang halos—"

Pinatigil ni Zierre si Leonah sa pagsasalita sa pamamagitan ng paghalik sa labi nito. Humawak siya sa batok nito at pinadulas iyon papunta sa pisngi nito habang magkalapat ang kanilang mga labi.

"I miss you... Hon." sambit ni Zierre nang maghiwalay ang labi nila ni Leonah.

Tila kiniliti ang puso ni Leonah sa sinabi ni Zierre. Muli itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Hinalik-halikan niya ito sa may noo na dati'y hindi naman niya ginagawa dito. Pakiramdam tuloy ni Leonah ay may nagbago kay Zierre.

"Bakit bigla kang nawala, Hon? Ilang araw ka na naming hinahanap. Saan ka ba nagpunta? Iniwan mo yung phone mo kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makatulog kakaisip—"

"Sshhh." hinawakan ni Zierre sa magkabilang pisngi si Leonah. "Nothing to worry about. I'm here now, Hon. I'm sorry kung hindi ako nagpaalam. Look at me, wala namang nangyaring masama sa akin 'di ba?"

Lumabi si Leonah. "Akala ko nilayasan mo na talaga ako... because you don't love me."

Hinalikan ulit ni Zierre si Leonah. "That's not true... i do love you."

Lumabas ang matamis na ngiti sa labi ni Leonah, ngayon lang niya kasi naranasan na lambingin ng ganoon ni Zierre. "I love you more, Hon."

Nginitian ni Zierre si Leonah kung kaya't lalo itong nanibago. Gayon pa man ay tila natanggalan na ito ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay nagbalik na nga sa piling nito si Zierre.

"Wait, i have to make a call. Tatawagan ko si Kuya para sabihin na nakabalik ka na."

Pupuntahan sana ni Leonah ang cellphone nito na nakalapag doon sa vanity mirror nang hawakan ito ni Zierre sa may balikat. Nagtatakang humarap muli si Leonah kay Zierre.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon